sir tanong ko lang po paano po ba mag repaint ng drum kit? medyo luma na kasi yung kit ko gusto ko sana paayos, pa repaint ko sana meron po ba dito nakakaalam kung paano or meron po ba gumagawa nyan dito? salamat po.
matrabaho yan bro, naconsider mo nang ire-wrap nalang?
anyway kung gusto mo tlagang irepaint yung kit mo:
1. strip mo yung wrap (kung meron) or yung current paint ng drums mo, sand paper mo para ok yung pagkastrip.
2. kung nagtanggal ka ng wrap, sand mo yung drums para maging pantay ulit yung surface nya, then sand some more para kuminis na parang pwet ng bata or:
3. lagyan mo na ng primer, mas madali ito pag sprayed primer, kasi halos pantay na agad ito and matatakpan nya na yung hindi pagkapino ng kahoy after nung initial sandin mo. sand mo pa din kung gusto mong mas makinis pa. best ito kung colored yung ippaint mo pero kung gusto mong natural finish or stained, wag mo lagyan ng primer kasi usually puti, gray, or red ito.
4. pag makinis na yung shell at satisfied ka na sa kinis nya, may primer man o wala, saka mo na cya sprayan ng gusto mong kulay or stain. apply several coats depende sa gusto mo
5. last sprayan mo ng clear coat para may konting protection ung paint/stain layer mo, also para mas makintab, again depende sayo kung gano kadaming coats gusto mo ilagay
I hope that helped