Sa totoong buhay brad kailangan mo talagang ingatan ang mga gamit mo. Syempre dahil wala gaanong fragile components ang solid state (at hindi
mabigat dahil walang malalaking transformers) e mas madaling dalhin at hindi kailangang gaanong alalahanin. Pero panalo ka sa tubo pagdating sa
tunog, hindi ka pa bitin sa tone.
Sa bugbugan, mas kailangang ingatan, pero hindi naman sirain ang tube amp. Wag mo lang pagsisipain o ibabagsak (sino bang nagbabagsak ng mga
mamahaling gamit dito?!) o kaya papatungan ng mga bote na may lamang liquids. In the long run mas magiging involving ang maintenance ng tubes,
pero kahit mga kotse naman may periodic checkups di ba? Basta pag ililipat mo ng lugar yung amp mag-intay ka muna kahit 5 mins. para lumamig
yung mga tubo para hindi mabasag.
Kung sakaling bilhin mo yung ValveKing, magsimula ka nang magresearch tungkol sa tube biasing at tube types, o kaya mag-ipon ka ng pang-
maintenance kung sakaling kailanganin mo. :-bd