di ko makita yung dating thread about stick holders e....
pero as promised, eto na yung pic. bagong gawa ko lang pala to kagabi. medyo nahihirapan na ko mag switch from percussion mode to drum kit mode during gigs. palagi ko kasi kagat yung isang stick sa bibig para hindi maka miss ng beat habang may hawak na shaker/tamborine sa right hand.
hindi presentable yung una kong stick holder kaya gumawa ako ng mas maganda
total cost less than 180 pesos
less than 30 minutes to assemble
adjustable angle
of course, pwede pa kayo makamura kung may tira kayong pvc pipe dyan. ayoko ko na kasi maglagare pa kaya bumili na lang ako sa ace ng precut pipes at yung closed cap nya