yup. sa kanya nga yun. hindi ko rin alam na kay Russell yun nung una, nagkataon lang na nakita ko yung pic kay Mang Max nung bumisita ako tapos nung saturday nakasabay namin sa gig yung Intolerant na banda niya. nung nakita ko yung gitara alam ko agad na gawa ni Mang Max yun! astig nung gitara in person! nilapitan ko nga agad si Russell at kinumusta yung gitara. yung finish niya, parang sealer lang ata. parang matte na natural kasi yung itsura. tapos mahogany body, naka-EMG's na pickups yung nakakabit. yung headstock niya, may veneer na kamagong kaya mukhang black. hindi ko lang natanong kung anong wood yung neck, pero yung fretboard kamagong rin. tapos walang inlay, kaya pure black yung itsura ng fretboard.