Sana may mga account yung mga store attendants dito sa Philmusic para makita nila kung ano ang reaction natin sa kanila...hehe
Meron yan, di lang nag c-comment. Basta totoo lang ang sasabihin nyo't wala kayong malisya kundi ma improve ang customer service nila, walang masama dun
Anyway,galing ako sa isang music store kanina ulit, binalikan ko yung hihat na A custom. Malayo pa ko,salubong yung isa,tanong ano hanap ko. Sagot ko tanong nya,hanap sya sa pricelist,tanong sya sa kasama nya- wala daw silang stock.
So try ko nlang yung hats na na try ko na the other day dun din sa store nila. Kwento-kuwento ,tanong tanong,hampas dito,hampas dun.
Nagbebenta daw sila ng pa isa-isang hihats! Pero actually,puro top hat ng regular K lang ang available,mga napag iwanan ng kapares na bottom hats
Binili ko yung A custom hats nila kahit 13" talaga hanap ko kasi ok din naman tunog e. Pino-polish pa nung attendant yung hats bago ilagay sa bag,pero sabi ko,huwag na, dyahi e. Tawa lang sila. Tinanong ako nung attendant kung tumatambay daw ako dito sa Philmusic, sabi ko oo.Sinabi ko din yung account name ko sa kanya.Maganda kasing malaman nila kung ano ang impression natin sa kanila,diba?
So far, so good naman lahat ng napuntahan ko lately. Malaking improvement ang napansin ko,although ang JB sa ngayon, hindi pa din kasing accomodating na tulad noon na kami mismo ang umuusyoso sa pricelist nila kahit di naman kami bumibili
Target ko next year makabuo ng Sabian Hand-Hammered set. Sigurado wala ako magiging problema dito,madami pa ko makukuhang regalo!