Hassle dalhin ang buong kit, lalo na pag maiksi yung set at gusto niyo sulitin yung oras. Siguro worth it kung banda niyo lang tutugtog sa gig, kaso otherwise? Sasakit lang likod mo sa pagbuhat ng bass drum (lalo na kung second floor yung tugtugan).
Kaso wag naman masyado umasa sa house kit. Sa tingin ko snare at peds ang pinakamahalagang dalhin, kaso ako mismo di na nagdadala ng peds kasi pangit din naman yung akin hehe. Personally, ang lagi ko dala ay snare, crash (kasi ito pinaka-warak sa mga house kits), china (kasi wala ito sa house kits), tsaka extra stand (para sa china).