Hello Bamf & psychic_sushi,
Gusto ko din magpa-scalarize ng guitars ko. Isang samick lp at isang applause a/e. Tanong lang: Ano sked nyo, day & time? Pwede early morning mga 7am or sunday? IT ako sa call center kaya late morning til early evening tulog tapos work naman ako sa gabi. So, suggest din kayo magandang sked.
Pwede din ba sumama sa mga EB or tone parties nyo at ng ibang taga-philmusic pero taga-panood lang? hehe... hindi kasi ako mahusay at saka gusto ko makita mga hinahangaan ko - Gitarista. Onga pala, wag nyo ipa-test sa akin pag nagpunta ako sa inyo, kayo na lang mag-test. Mahiyain ako kasi hindi ko talaga linya mag-gitara. Hobbyist lang at naghahanap ng magandang tunog.
Haba ng thread pero binasa ko lahat. Nakita ko sa ibang page, naka-series yung config nung DPDT. ECE din kasi kaya nakakaintindi. Hindi ko nga lang ginagamit design ko, nasa telecommunications/IT ako. Gumawa na rin ako ng sarili kong tube screamer, wala lang time mag-mod pero plano ko later stomp box with real tubes. May satisfaction kasi pag sariling gawa.
My salute to you Bamf. Keep it up. Keep up the R&D and the business. And keep it here in the Philippines.