haha ganyang ganyan yung tropa namen na gusto maging bassist namen. sabi niya nung high school bassist daw siya ng banda nila so kame naman "yun may bassist na pala tayo eh" and then nagset kame ng jam sa bahay (although walang drumset, air drumming lang ginagawa ng drummer namen, kulang din kame sa resources eh) tapos nung jam edi hawak na niya ang bass tapos hawak na namen ang guitars tapos tinugtog na namen yung kanta sabi niya "papano ba? ano ba pipindutin?" sinabi ko yung notes na tatapakan niya sabi niya "ano yan? di ko alam yan" turo mo nalang saken mga pipindutin, so tinuro ko tas di ko nalang siya sinita para di rin siya mapahiya, ako pa ang nagadjust sa kanya since ang tuning ng kantang tutugtugin sana eh drop d 1/2 step down, ginawa ko drop d nalang ako tas siya standard since 5 string bass naman ang hawak niya medyo kaya ko pa gawan ng paraan na makapagadjust sakanya para hindi kumplikado para sakanya, ayun walang nangyari sa jam, ni isang kanta wala natapos dinaan nalang namen sa inom haha.
ang nakakainis dito eh sinabi pa niya sa girlfriend niya na siya raw ang bumuo ng banda, samantalang tinanong ko siya kung alam niya ang mga nota sabi niya hindi,ni-yung nota ng open strings di niya alam eh, tenga lang daw gamit niya sa pagtugtog at yung position ng daliri, hays. ako nga ayoko pa magbanda dahil sobrang bano ko pa eh napapayag lang naman ako sa banda dahil tropa ko talaga sila at trip trip lang naman yun kaya ok na din saken, tapos siya naman dame sinasabe mas bano pa pala saken lakas ng loob umasta ng ganun
wala lang kakainis lang naasar talaga ako, minsan pag ganyan ang ugali ng tao kahit matagal na kayong magkaibigan eh di maiiwasan na maasar talaga hehe peace!