Nakakataka lang dun eh bakit yun pang existing board ng joyo ginamit nila, imbis na mag fabricate sila ng ibang board na naayon dun sa mod nila, nakakahiya kasi na ni-rehouse at konting butingting, tada, botik pedal na
Yan nga yung malabo dun sa sagot ni Ken ng Freekish Blues. SAbi niya 3 years ago nagpa-mass produce sila sa isang overseas company nung design nila na circuit taz they found out na binebenta yung design nila. Ang malabo dun bakit kung alam niya na ninakawan siya ng design ng isang company hindi man lang niya dinemanda o inaanounce so forums na ninakaw yung design niya within those years. Kung totoo man yun, bakit inspite of everything, ginamit pa rin niya yung board ng nagnakaw sa kanya.
May ibang Alpha Drive units kasi din hindi masyadong binura yung J. Wong na nakaprint dun s circuit board at siyempre yung iba tinanggal yung goop na pangit din ang pagkakaapply so nabuking na cheap parts lang ang nasa loob. Bale ang nangyayari lang bumibili lang sila ng Joyo taz palit lang ng 4(?) resistors, repaint tapos icclaim nila na "designed, engineered at handcrafted in a basement." Chinese sweatshop basement pala. lol..Ang henyong idea dun eh nilagyan pa nila ng 4 weeks waiting time para mukha talagang boutique.
Ang tanong sa mga modders natin dito, kung ang Ultimate Drive clone ng OCD at sa konting palit lang ng resistors magiging Alpha Drive ang sound niya, pwede bang maging switcheable between "OCD-mode" at "Alpha Drive-mode" yung Ultimate Drive?