Re: Mga Rakista!!! Pasok d2 dahilan nyo bat kayo rakista ngayon.
nagising kasi ako isang umaga na inuutusan ako ng tita ko na bumili ng pandesal. naglalakad ako na pupungas pungas pa at nagtatanggal ng muta nang sa di kalayuan eh natanaw ko yung isang grupo ng mga gangster na inumaga nang nag iinom. dun sila nag iinom sa pwesto na medyo weird kasi laging amoy mapanghi dun kahit wala naman posteng maiihian tapos tinawag nila ako "yo dawg! empty yo pockitz or imma bust a cap in yo @ss!" tapos nag labas ng 4 na piccolo at akmang sisindihan at ibabato sakin. pinawisan ako ng malapot at bugal bugal sa kaba. nag palpitate ako kahit di pa ko nagkakape.
sa kabutihang palad naman eh may parating na isang grupo ng mga screamo na kinakapa yung kalsada kasi nakaharang yung buhok sa mga muka nila tapos yung isa kakilala ko. sabi nya "oy chong, what is happening right here, right now?". magsasalita na ko para isumbong yung mga gangster nung sinopla ako nung isa at sabi nya "y'all need to stay the fvck of our bizniz or we're going to gonna ice y'all, homes!". nangangamoy babag na ang hangin dahil nakaamba na lahat na papaslangin ang isat isa nung kinat ko sila at sabi ko "teka lang mga pre, bibili lang ako ng pandesal ha? ate, 20 pesos na pandesal tsaka isang kutsaritang mantikilya nga, pakibalot."
tahimik yung paligid pagkatapos nun. titigan lang lahat pero di ko alam kung nakatitig yung mga screamo kasi may harang na buhok yung mga mata nila. kinakabahan na din ako kasi ang slow ng sikyu sa subdivision namin, manonood muna yun ng suntukan bago tumawag ng mga tanod. eh bago pa yung tsinelas ko nun, ayokong gamitin pang takbo. so nag aalala na talaga ako. kinat ko ulit sila sabi ko "mga pre, eh baka naman pwedeng daanin sa usapan to?" nagalit yung mga gangster sabi nung lider "you shut the fvck up, b1tch @ss nigga! this is war!" so tahimik na lang ako.
nung akmang magsusuntukan na, biglang may lumipad na tubig galing taas. di sya parang ulan eh, yung tipong isang buhos na tubig yung dami mga ganun. tapos natapunan yung lider ng magkabilang group. ako din natalsikan ng patak sa lower lip eh. medyo maalat yung tubig. tapos yung dalawa parang diring diri sa feeling. tumingala ako para malaman yung source ng tubig. sakto pag tingala ko kita ko yung ale tinataktak pa yung natitirang ihi dun sa arinola na sinaboy nya. langya sa sobrang diri ko nanakbo ako pauwi naiwan ko pa yung pandesal at mantikilya.
kinabukasan kinaibigan ko yung mga screamo kaya eto rakista na ko ngayon.