May nabili akong jackpot item noon sa Sulit.com.ph (can't remember the exact year) Samsung galaxy s3 i9305 LTE, 1K LANG! Yes 1k, pero may issue siya, basag yung front glass nya but still functional, pero yun kasi yung time na nasa 15k pa ang good condish na s3, pinuntahan ko pa si seller sa Malolos imagine taga Taytay Rizal ako, so sabi ko kapag nakuha ko sya, papapalitan ko nalang sa GH ng glass, kaso nung chineck ko na, aabot din ng 5k ang papalit, since that time estudyante palang ako hindi ko afford yun.
So decided na ako nalang ang mag gawa, bumili nalang ng front glass sa sulit ulit, nanood ako ng videos sa youtube kung paano alisin yung mga basag, kailangan mo ng HEAT GUN.
So heto na, nanghiram ako ng HEAT GUN, yung first portion na inalis ko, successful, pero, nung nandun na sa gitna, ay P**A,
nadale yung digitizer! KITANG KITA ko kung paano dahan dahang nawawala yung display, hanggang sa natuluyan na siya
LESSONS LEARNED:
1. HUWAG SUSUBUKAN KAPAG DI KAYA ANG ISANG BAGAY
2. EKSPERTO LANG ANG MAY KAYA NUN, MUSIKERO KA, HINDI TECHNICIAN