nagjoin ako dito 2013. ang dami pa active non. mga bangayan dahil sa gears, mga comparison ng kung ano ano, basa basa ng info sa guitar central, namiss ko na din si fretboard, si sonicassault, tsaka si firemodel55 at ang Hiyaw, (kahit di ko sila kilala personally)
sa totoo lang, ang boring sa fb maghanap ng sagot sa mga tanong mo about sa gears e. ang dami kasi dun nagmamarunong lang. dito, may evidence ang mga sagot e. ngayon ang mga tambay sa anything goes well na lang. wala na gaano discussion about gears na gustong gusto ko kasi mahina din ako pagdating sa electronics e. wala na din ung nagbibigay ng mga free lessons. sinave ko na nga lang ung URL nung mga dating lessons e incase na kelangan ko ule.
mga kausap ko dito konti na lang. si sir Marzi, si Dungol king (Redlights), ung taga imus din na si Jan mayer at Boxedking, si mozart na may koleksyon ng mga chicks, si rick na ipapasyal kame sa camsur pagdating ng panahon. si musicianurse na suki ng "what made you pissed off today." tsaka si sardonyx na taga San Jose Del monte tomato ketchup.
sana madagdagan pa tayo! gusto ko abutin pa to ng mga anak natin.