Napakabagal, grabe, hindi ko alam kung anong plan ito, erpat ko kasi nag subscribe rito. Ang sitwasyon kasi, naglipat kami ng bahay, so naiwan yung BayanDSL namin sa lumang bahay, di pa natransfer, so etong wi tribe na ito yung failsafe namin. Okay sya, minsan, pero pucha, madalas sa sobrang bagal, ultimo facebook, ayaw mag load. DEEEEEYM. Buti nalang itong PM, hindi naman apektado. Grabe, pati youtube, hindi man lang makapanood ng videos ng maayos.
Di naman iliterado ang tatay ko sa mga ganitong bagay, kaya naisip ko, magaling mag salestalk ang mga ahente ng wi tribe, kasi naloko parin erpat ko.
Pag nakuha na ulit namin yung bayanDSL, ipapadisconnect ko na talaga to, lalagariin ko sa harap ng ahente yung modem (joke)
May iba pa ba na nakakaexperience ng mabagal na wi tribe wi subscibe bullcrap?