alam ko madaming magaling na guitar players dito sa forums...
pero may mga forumites dito na gustong gusto talaga makilala,base sa style nila... para makapagpaturo narin at makakuha ng bagong ideas sa kanila.
kapag may namimeet kasi ako at nakakajam na bago parang nalalaman ko kulang sa playing ko,mga gusto kong gawin,matutunan,maimprove etc.
eto para sa akin:
(in no particular order)
1.sir psychic sushi - sabi sa akin ni kuya lester(bluejem) grabe daw talaga.kakaintriga,hehe
2.sir deltaslim - gusto ko magpaturo sa slide,wala pa kasi ako napapanuod na slide player in person
3.sir bluenote - nameet ko na siya once kila sir BAMF,nakapagjam din kami pero nabitin ako...sana makajam ko ulit
4.sir jazhombie - sa pagkakaalala ko...kinukulit ko siya dati na turuan ako kasi malapit lang siya sa loc. ko,ewan ko lang kung naalala niya pa,hehe...narinig ko mga works niya sa soundclick.
5.sir aya yuson - pinakinggan ko yung wdouji's zen and art dati ng araw2x.
galing ng tone,tsaka trip ko talaga yung clean hollowbody na tone.
i'm looking forward na mameet ko sila pero may mga madalas rin naman ako nakakajam tulad ni sir bluejem...marami talaga ako natutunan sa kanya about sa guitar.
may mga nameet na rin akong bass players dito at nagpaplan narin kami ng jam(sir frogfunk),nameet ko rin si sir gyrus(sir alex), nagusap rin kami magbuo ng jam band,nahihiya nga lang ako kasi gusto niya jazz eh beginner pa lang ako...sayang hindi kami natuloy.
pero meron din namang mga sikat at controversial dito sa philmusic na nakilala ko tulad ni sir oasgomez,natry ko din yung mga guitars at gears niya dati kila kuya jon.
kayo meron bang forumite na gusto niyo makilala on your own reasons?
peace.