Wow! You guys make me feel soooo lucky! This reminds me of the old days when I developed my passion for drumming...Nag start ako mag drums ng walang sariling gamit,nakikipalo lang! Encylopeadia at hita ang practice pad ko!...until Club Dredd days,1997(after 6 years) meron na akong 1 piccolo snare,1 China boy,at Lazer double pedal, kaya drummer na ang dating ko nun pag may gig!
Binenta ko din lahat ng gamit ko bago ako umalis nag pinas nung 1999.
Now,Im celebrating my first year anniversary with my generic drumkit dito sa China..Last year lang ako nagkaroon ng sariling gamit na kumpleto..kung kelan wala nang ka banda at malayo na sa mga kapwa musikero..Hobby na lang. Pero "serious hobby" kasi kahit gf ko tinatabla ko pag weekends para makapag drums lang ng maghapon!
Nagre reklamo mga kapit-bahay ko sa ingay dito kaya pinalitan ko ng Muffleheads yung mga batter sides.Nilagyan ko lang ng 3 strips ng packing tape para mag resonate ng konti kaya meron tunog pero di maingay. So pag gising ko sa umaga,palo konti bago mag shower.Pag uwi sa gabi,palo ulit from 7 to 10pm tapos ligo(di ako naniniwala sa pasma!),nood DVD instructionals hanggang makatulog.
Sa office, headphone-soundtrip maghapon habang nagt-trabaho!
Ewan ko ba! Lalo nitong napasali ako dito sa Pinoydrums forum,mas lalo akong na motivate mag drums kaya bumili ako ng drumkit dyan sa pinas....kahit wala naman akong nakikitang magiging future career sa music (kasi matanda na ko,at malayo sa 'scene') Talagang "PASSION" na lang talaga 'to!