galing ako dun kanina aroung 5:30AM, onti lang tao, kasama ko mom ko, pero nung umaandar na yung pila sumama yung tiyan ko hindi ako nakapasok kaya umuwi na ako at wala pa akong tulog at kelangan kong ilabas ang laman ng nagaalburuto kong sikmura. babalik ako ng friday ng madaling araw para kahit abutin ng anong oras ok lang. ang mga kritiko ng INC sinasabi agad na ito ang pagbagsak ng malaking relihiyon, ganyang ganyan din ang sinabi nila ng pumanaw si Ka Felix. Tingnan na lang natin dahil ang Iglesiang ito ay may patnubay ng Panginoong Diyos. Hindi ko ma-ipaliwanag ang naramdaman ko habang tumutulo ang luha ko sa harap ng TV nang ipagbigay alam ni Ka Bien ang malungkot na balita. Sa buong buhay simula nung ma-convert ako bilang isang INC noong 1998, 3 beses pa lang akong nakasamba na si Ka Erdie ang nagtexto, noong 1999, 2001 yung huling taon hindi ko na rin matandaan, pero walang kupas ang tinig ni Ka Erdie sa harap ng tribuna, iba ang kaloob sa kanya ng Ama. Oo, malungkot ang mga pangyayaring ito pero sigurado akong hindi ito ang bubuwag sa atin at magpapahina ng ating mga pananampalataya.
Salamat Ka Eraño...