ok sana tumugtog dyan kung ok ung nag oorganize e. kahit si clara ang labo.
maaga kami nandun pero late na kami naka tugtog..
politika masyado dyan... wala ng nabago!! ung gamit laspag na naman kagad.
yown!
iyan ang hirap sa atin eh.
pag may ibang napagbigyan, may "pulitika" na. pag hindi tayo napagbigyan, "na-pulitika" na tayo.
masyadong mabigat ang salitang "pulitika". salitang "pulitika" na ginagamit natin kaagad dahil lang may napagbigyan o may hindi napagbigyan.
kung masasabi natin na kahit minsan hindi tayo gumawa ng paraan na pa-pabor sa atin na may ibang tao na maaapektuhan may karapatan tayo na gamiting pantukoy ang salitang "pulitika".
(halimbawa: nagpapaurong tayo na mauna tayong tumugtog kaysa sa ibang banda. pagbigyan man o hindi. dahil kung napagbigyan "naka-pulitika" na tayo at pag hindi naman napagbigyan, iyung aksyon lang natin na gumagawa ng paraan na mauna tayo kaysa sa ibang banda ay matatawag na na "pamumulitika")
sarili muna natin ang tingnan natin bago ang ibang tao.