Eto, hindi naman pikunan pero nakakatuwa lang. Haha. Di naman sa nagmamayabang ako.
May schoolmate ako, naglalaro ng Tekken 5: DR. Eh sa sobrang bored ko, chinallenge ko siya. Eh di panalo. Kinalaban niya ulit ako, panalo nanaman. Tapos nakita niya ako. Natawa siya tapos tinawag niya yung mga kaibigan niya na kaklase ko rin. Ayun, lahat sila magkakaibigan, nakapila, ako lang kalaban.
Pagkatapos naman, may batang 5 year old daw na nagchallenge sakin sa tekken (di pako umaalis nun ah) na may tekken card (hwoarang). Kala ko magaling kasi meron pero madili lang pala. Tapos, nung natalo ko, may isa nanamang challenger. Kala ko yung bata ulit, yun pala, yung tatay naman!
Natalo ko rin naman. Jinoke nga sakin ng kaklase ko na nakalaban ko rin na baka yung lolo naman makakalaban ko sa Tekken.