yun mga mahilig sa "Southern Rock" gaya ng Allman Brothers Band at Lynyrd Skynyrd baka magustuhan niyo din itong mga banda na ito. Dati ko sila napapakinggan sa DZRJ - The Outlaws, 38 Special, Atlanta Rhythm Section, April Wine, Molly Hatchett.
Maswerte rin nga ako, salamat sa computer at internet, yung mga walang chance na mapanuod nun, napapanuod ko sa YouTube, gaya ng live performances ng---
Lynyrd skynyrd, Atlanta Rhythm Section, Allman Brothers band, etc. mga Southern bands na may mga namatay na mga myembro____sayang sila, saka kanina lang pinapanuod ko yung Stray Cats,
Live at Montreaux, '81, batang-bata pa sila, wild na wild....tapos pinanuod ko rin yung performance nila same venue pero 2007 yata, matatanda na rin at nagsitabaan, pero bawas na ng malaki yung pagiging wild,siguro feeling awkward na sila.
Hindi na rin ako nakakapakinig ng radyo ngayon komo meron na ngang internet, pero nasisislip ko yung RJ-TV kapag Sunday sa umaga, meron silang program na mga videos
mostly rock, o kaya surf music. Ok naman.
Itong computer at internet, actually meron akong mga kasing-edad na ayaw nilang gumamit, maybe out of pride or something. Tingin ko,malaki ang nami-miss out nila.
Bloodrock, songs like Jessica, DOA.....