Hi mga sir and maam. Recently bumili kasi ako ng Alvarez RT16. Yung Regent series na travel guitar nila. Pansin ko lang na ang stiff ng strings niya. Dahil ba sa string gauge yun? Or sa taas ng bridge saddle? Ano po bang magandang way para malessen yung stiffness nung string? Lalo na sa first 3 frets. Ang sakit kasi sa kamay kapag tumutugtog ako eh. Gusto ko sanang malaman muna yung cause nung stiffness bago ko dalhin sa luthier at ipaayos.
Btw, hindi ko po alam kung saan ipopost tong tanong ko. Since owners naman po kayo ng travel guitars baka may alam kayong remedyo sa problema ko. Hehe Maraming salamat po.
First of all, check mo yung neck relief. Baka kasi kailangan ng truss rod adjustment. If ok naman at kung 1st three frets yung stiff, mataas yung nut pwede namang
i-shave . Kung halos buong fretboard stiff yung strings, malamang both bridge saddle and nut kailangan i-shave. Check mo lang muna kung may shim sa ilalim ng
bridge saddle. Tanggalin mo muna para i-try kung OK na sa yo yung action kapag wala na yung shim. Try lower gauge strings din.
Ako mismo nagse-setup ng guitars ko kapag bagong bili sa store. Sa acoustics by default mataas yung action. Factory setting kadalasan.
Hindi naman mahirap i-setup ang guitar pero dahan-dahan lang sa pag shave ng bridge saddle and nut.