TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Musician Forums => Pinoydrums => Topic started by: bulok on October 18, 2016, 03:29:32 PM

Title: Low budget Hihat for recording
Post by: bulok on October 18, 2016, 03:29:32 PM
Tanong ko lang. stagg myra 14" hihat kasi ang gamit ko sa recording kaso hassle sa mix gawa malakas sya masyado at sobra ang bleed nya sa snare drum ko. naisip ko na palitan na lang ng ibang hihat na may low volume pero kaya magcut sa mix for metal genre. ano ba marerecommend nyong alternative? hanggat maaari sana b20 na hihat at around 5k - 7k Php lang. ang iniisip ko yung stagg sh rock hihat at arborea ghost 14 hihat. kaso hindi ko pa nadinig pareho ng personal
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: peeves24 on October 18, 2016, 07:51:36 PM
14 new beat na luma pasok sa budget mo. its mellow enough.

tsaka mas mura mag adjust ng teknik kesa bumili ng bagong hihat hehehe. malakas lang palo mo sa myra kaya kahit ano ipalit mo sa kanya, malakas din yung lalabas.
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: inigo on October 18, 2016, 11:07:42 PM
malakas lang palo mo sa myra kaya kahit ano ipalit mo sa kanya, malakas din yung lalabas.

+1 dito. Pareho kami ni Pao na nagrerecord, at pareho kami ng observation. Kahit 12 inch recording hat or 13 inch na K dark ay malakas kung malakas ang palo. Alalay na lang sa hats and extra mindful na lang sa pagkasolid ng snare drum.

Kung sa tanong mo naman, observation ko ay mas manipis ang register sa recording ng mga B8 hats (e.g., Sabian B8, Paiste Alpha) kaysa sa anong B20 cymbal. For your budget, kasya ang mga B8. Kung sa B20 cymbals, anything na mas manipis kaysa Myra series, ok sya. Yung pinakamanipis na makita mo, good yun.
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: musicianurse28 on October 18, 2016, 11:54:37 PM
Wag bili ng bili, adjust muna ng playing technique. It's economical :-D Tama sina kuya Pao at Iņigo. Pag di mo na ulet kasi trip yung bagong binili mo, mahirap nang idispose. Medyo nabawasan rin kasi talaga mga nagka-interest. Hirap magbenta! :eek:
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: peeves24 on October 19, 2016, 01:48:54 AM
bili ka pa rin ng new beat KACHING!  :-P
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: Ralph_Petrucci on October 19, 2016, 09:35:51 AM
14 new beat na luma pasok sa budget mo. its mellow enough.

tsaka mas mura mag adjust ng teknik kesa bumili ng bagong hihat hehehe. malakas lang palo mo sa myra kaya kahit ano ipalit mo sa kanya, malakas din yung lalabas.

eto na mismo yan hahahaha naalala ko nung recording nung songs namin, nakailang palit ako ng hats kasi sobrang lakas daw nung wash sabi nung engineer. gumamit ako ng 13 K/Z, 14 A New Beat, 14 K, 13 ZBT, 14 ZBT, 14 Sultan.

in the end, malakas lang daw talaga ako pumalo so conscious alalay ako sa volume nung hats ko the whole recording session. I stuck with the sultan 14's though.
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: harugrugrug on October 19, 2016, 10:20:31 PM
bili ka pa rin ng new beat KACHING!  :-P

maganda yung new beat! may nakita ko sa fb parang 6k lang ata benta. di ko maalala kung sino yun. steal yun!
pero adjust your playing technique. dati ang recording one mic lang sa isang banda(very old school) they
adjust their playing for balance.
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: Drummeroo on October 19, 2016, 10:31:39 PM
I tried Dabian B8 once sa isang semi recording, and its a WOW! Cuts through
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: musicianurse28 on October 20, 2016, 12:31:04 AM
maganda yung new beat! may nakita ko sa fb parang 6k lang ata benta. di ko maalala kung sino yun. steal yun!
pero adjust your playing technique. dati ang recording one mic lang sa isang banda(very old school) they
adjust their playing for balance.

^ Mismo! Kaya maganda rin minsan tipid tipid konti, para sa susunod na pang GAS! Hehehe

OT:
Ang ganda ng bagong mesh heads mo at zildjian! Kahit 12mn normal playing walang problema. San mo nabili yung Pearl heads mo na yon? Kala ko Remo lang may ganon eh.
Title: Re: Low budget Hihat for recording
Post by: bulok on October 20, 2016, 09:43:34 AM
Thanks sa tip! so far nagfocus ako sa pag palo ko sa snare. pinipilit ko na lahat ng palo ko ay rim shot para matabunan nya yung tunog ng hihat na nasasagap ng snare mic ko pero lumulutang parin sa mix. pero try ko din magadjust sa lakas ng palo sa hihat!