Yo, Sa mga ka-PM na mahilig sa DIY projects na walang kinalaman sa music dito tayo mag-usap usap! Sa kasalukuyan kasi ay pinaplano kong gumawa ng aquaponics para naman maging productive at may hitong maiiihaw pag biglaang may dumating na tropa. Sa mga may alam sa Gardening pasok lang kayo ng input sa kung ano ang pwedeng mga halaman o mga proseso na pwede pang gawin para mapayabong ang ating mga DIY Project. Sa kasalukyan ay nangangalap pa ako ng lahat ng impormasyon para makapagbuo ng isang Aquaponic system tara tropa! hehe