Binigyan ako ng tito ko ng tig 20 PHP na Rubik's Cube. Naasar ako kasi ang hirap iikot. Naisipan kong lagyan ng oil. Ang tanging oil na nakita ko sa bahay, olive oil.
Nilagyan ko, yun lang, sumobra. Kadiri na hawakan. Ang ginawa ko binilad ko sa araw, binabad ko sa tubig, pinalaro ko sa kapatid ko. Hanggang sa maubos na yung sobrang oil. Na dahil sa sobrang sobra, tumatagas palabas.
Yun, nalaro ko na. Next problem : Unti-unting natatanggal yung tiles.
Nag-improve nga pala ako, from 7 mins. to 2:30 Mins.