Napansin ko, andaming lisa ng daughter ko. This started when she started her school this year. Wala naman ito dati. Also, she started having kuto, palagay ko nahawa sa mga kaklase nya. Although manageable ang kuto, dahil pwede mo suyudin everyday para tuluyang mawala, yung lisa hindi makuha ng suyod.
Any effective way of removing those? Aside sa mano manong pagtanggal, which is time on consuming, coz you need to check every strand.
Good pm po sir, dati po nahawa ako nung magpagupit ako ng buhok haha. Siguro hindi nalinis yung suklay na gamit ng nag gugupit.
Ang pinakaepektibo po talaga diyan regular na magsuyod habang naliligo. Shampoo muna ng maigi at pabulain, para kahit papano mahilo yung mga kuto. Pagkatapos po suklayin niyo na ng suklayin ng suyod bago niyo banlawan ang shampoo.
Pero kahit every other day niyo gawin ito kung hassle sa inyo, hindi naman big deal.
Gawin niyo po yan sa loob ng 1 month to 2 months regularly, at mawawala yan. Ang konsepto po kasi ng ganyang paraan ay ubusin yung mga kuto as soon as possible na mapisa sila galing sa itlog (yung lisa). At since bago pa sila maging adult ay nasuyod niyo na sila, darating ang time na lahat ng itlog ay naghatch na at nasuyod niyo na paalis sa ulo ng bata, wala nang magrereproduce na kuto.
Kapag wala na pong kuto, recommended pa rin na magsuyod kahit twice a week. Kasi po kung merong may kuto sa school nila, posibleng may maligaw ulit na kuto sa kanya. Kung nagsusuyod siya twice a week, hindi makakapag manifest ang kuto sa ulo niya.
Oo nga pala medyo mahaba ang buhok ko lagpas balikat kaya tingin ko applicable talaga ito. Ang ginamit ko lang na suyod nun ay yung plastic type na medyo malambot. Baka ganun din ang bagay sa anak niyo para hindi magsugat ang ulo at puwede niya gawing magisa. Basta hanapin niyo lang po yung hindi matalas ang dulo, tapos malambot.
Sana po ay makatulong ito.