Nakita niyo na yung mga bagong PDP 805 snare drums sa Lyric?
Napadaan ako sa Lyric Cubao habang papunta ng EB, at nakita ko nga yung mga 6"x10" at 5"x14" snare drums na nandoon. Ang gaganda ng kulay e, tapos nung sinubukan ko, ang lakas ng tunog. Yun ang pop talaga! Hehe. P4,000 lang yung mga 6"x10", kaya ayos na rin.
Nalaman ko lang kagabi na yung mga PDP 805 pala e maple + hardwood, kaya sulit na nga rin talaga ang mga yun!
Nakita ko rin doon ang mga PDP maple piccolo snare nila 3"x14" yung size, tapos 10 lugs, natural finish. P7,000 lang. Hehehehe.