kuha ka ng ruler, preferably yung orion na clear na bendable. kunin mo yung center ng dinadanaan ng snare wires. mark mo yung center tapos from that mark, bahala ka na kung hanggang gano mo kahaba gusto yung snare bed.
pansin mo yung pencil marks dun sa pic sa taas? 2 inches from the center on both sides ata yung ginawa ko dun. kaya lang hindi na ganyan ang bearing edge ko ngayon, mas mahaba pa.
observation ko, kapag mas wide yung snare bed, mas less yung buzz at mas maganda yung tunog. gano kahaba ang mahaba? kung 10 lugs yung snare mo, paabutin mo sa 3rd lug from both sides nung center mark.
gaano kalalim? usually 1/8" lang, malalim na yung 2/8" at baka mag cause na ng damage dun sa reso head mo.
palaging gradual ang slope ng bearing edge para less buzz, though meron mga snare talaga na biglaan yung drop nya (tulad ng old fernando snares at pati mga high end tama)
deepest part yung center mark tapos pababaw sya papunta sa sides.
eto pic nung nililiha ko sya
hindi flattened yung bearing edge ko, nilagyan ko rin ng angle yung outer part.