thanks sa info, great help.. balak ko na sana yun automatic set up na.. meron ba nun? self cleaning and maintaining salt water purification na haha
alam ko kasi maasikaso ito maraming process.. pwede ba walang halaman as in isda lang? eh di mababawasan yun lilinisin at gagawin ko atleast tubig na lang focus ko
parang wala ata yep bro pwede na isda lang walang corals.. FOWLR set up tawag dun or Fish Only With Live Rock.. actually mas madali maintain yun saka mas tolerant naman sila sa dumi at flow unlike pag may corals may requirement talaga.
yung kung gano kadalas naman mag waterchange depende sa size ng tank mo, sa dami ng isda mo, sa filtration mo etc. kung malaki tank mo hindi overstock tapos matinde mga equipment mo sa filtration syempre di kana ganon kadalas mag waterchange
ito list ng need mo if FOWLR ka lang
- tank (ilang gallon ba balak mo)
- stand
- live rock - 20php per kg
- sand - 20php per kg (wag ka gagamit ng pebbles or crush coral problema lang yun pag tagal ma trap kasi mga dumi dun.. fine sand or beach sand lang talaga. saka ibang organism bahay need ng sand)
- salt mix - 650php good for 50g na matitimpla. blue treasure brand yan na cheapest and mineral imix mo bawal nasawa madami kasing unknown chemical or elements sa nawasa. pede din naman natural sea water may nabibili nun 10php per gallon kaso minsan matabang yun so need mo parin mag dagdag ng kunting saltmix para masakto yung sukat ng alat
- hydrometer - 260 php (ito yung pansukat ng alat ng tubig.. wag ka bibili nung floating na parang thermometer)
- test kit.. since fowlr ka kahit yung nitrate test kit at pH test kit nalang bilin mo wag kana bumili nung set. siguro 350php each pag solo not sure though. pero ganun din eh halos dikit na bilin mo yung saltwater test kit set. consist of ammonia, nitrite, nitrate, at pH test kit 900php isang set
kung mag sump ka or subtank need mo pabutasan tank mo. 400php home service may kilala kami si mang ramon. tapos another tank, tapos return pump.
ito yung sump. tank sa ilalim ng main tank mo haha
ang benefits lang naman ng sump ito eh
- added water volume (para di madaling dumumi tank)
- lagayan ng filtration (skimmer, mga media like activated carbon, GFO etc.) kasi diba pangit naman kung sa main tank mo lalagay yan panira ng view ang kalat tignan
- refugium para lagayan ng mga macro algae, or bahay ng bacteria para di makain ng isda para maka pag spawn sila
protein skimmer (pedeng wala pero laking tulong pag meron.. ito yung nag lilinis din sa tank parang hinihigop nya na yung mga dumi bago pa kumalat sa tubig)