Ok yung reply nyo sir pero gusto ko sana malaman kung pano madedetermine yung clutch biting point. May mga palatandaan ba kayo sir or it varies among different cars? Nabasa ko din na masama sya sa clutch ng kotse pero mukang ayun lang ang way para ma conquer ko na yung pag start uphill lalo na during traffic.
Btw, dati pa ko nag-aaral mag drive pero di ko pa din mkauha yung pag andar pag naka "bitin". Balak ko mag A1 or Red1 driving school next week.
Pag bumaba yung revs or rpm malapit ka na sa clutch point. Dagdagan mo agad ng konting konting gas para hindi mag-stall yung kotse.
Kung uphill start, gumamit ka ng handbrake lalo na kung matarik. Timpla mo yung clutch at gas hanggang sa maramdaman mo na bumaba yung revs at gustong magforward yung sasakyan (since nakahandbrake hindi siya aandar). Pag nag green light na, or umandar na yung traffic, release mo na yung handbrake then dagdag gas. Ok ang hand brake method pag bagito ka pa.
Try mo ito kung walang sasakyan sa likod mo sa pataas ng uphill. Pag nagfull stop ka, release mo yung brake ng sandali at pansinin mo kung gaano ka kabilis aatras. Kung mabagal at halos hindi mo maramdaman yung atras, hindi mo kelangan gumamit ng handbrake and vice versa.
Ito pa isang effective method para masanay ka sa clutch bite point. Hanap ka ng slope na
kalsada na walang traffic at tao. Magpractice kang mag
see saw.
1 Park mo yung kotse mo medyo sa gitna ng pa uphill ng kalsada ng nakahandbrake.
2 Timpla mo yung gas at clutch sa first gear hanggang sa maramdaman mo na gustong mag forward yung sasakyan.
3 Release mo yung handbrake at dagdag ka ng konting gas para magforward yung sasakyan ng konti (one meter)
4 Dahan dahan mo apakan yung clutch at bawasan yung gas hanggang sa tumigil at umatras (dahil sa gravity) yung kotse ng mabagal (still on first gear, pabalik sa starting point mo)
5 Pagbalik sa starting point mo, i timpla mo uli yung clutch at gas para magforward ka uli ng one meter
6 Repeat steps 4 and 5 hanggang masanay ka
Medyo masama sa clutch etong method na ito pero with in two weeks magiging natural na sayo yung bite point kung papracticing mo
Eto yung see saw method