we have a kids class here
Good eve po sir jpmb, ako po ay isang 28 years old na gustong magbalik sa pagtugtog. Sa tingin ko po kailangan ko talaga ng tulong.
Magbibigay lang po ako ng aking konting history sa musika at instrumento hehe.
~~ Grade 5 - Gusto ko talagang magdrums noon, gusto ko magpabili sa ninang ko ng drumset pero di ko alam na ganun pala kamahal.
Ang nangyari sumali ako sa banda (yung nagpaparada) as snare drum member.
~~ Around 4th year HS - Naging interested ako sa guitars, so nagself study ako. Nagimprove naman ang tenga ko sa tuning
at pagkapa ng tugtog, pero pakiramdam ko ang sablay ko pa rin at di ako gumagaling. Since mga 19 - 20years old ako ay
itinigil ko na po ang pag gigitara.
~~ around 25 (year 2012) - nagkaron ako ng chance na makabili ng very cheap 2nd hand drumset at 5k pesos ata, siguro po
nasa mga 5 - 6 months sakin yun at napilitan ding ibenta eventually dahil nagipit sa pera.
Pero kahit sa drums hindi rin po ako gumaling, pakiramdam ko sobrang sablay. masyadong sloppy or kulang din sa consistency
ang palo ko at timing, sa tingin ko di ko kaya matuto ng magisa at kailangan ko ng mentor or instructor. Sa basics pa lang po
ay bagsak na ako.
Hindi ako marunong magbasa ng music sheet, may idea po akong konting-konti, pero masyado pang malayo para maiapply ko sa pagbabasa ng music sheet.
Hindi ko po alam kung may pagasa ba akong maging drummer sa acceptable na level, or kung kaya ng utak ko ang necessary skills.
Hindi ko rin po alam kung sobrang tanda ko na para magsimula ulit na almost from zero. Kaya kailangan ko po ng inyong advice.
Sa totoo lang po di ko pa rin sigurado kung saan ako mas
may chance na gumaling, kung sa gitara o sa drums. Pero sa ngayon gusto kong subukan kung kakayanin ko ang task ng isang drummer.
Gusto ko pong magtake ng lessons sa inyo, kung may pera lang talaga ako ngayon na agad mismo. Pero sa tingin ko po matatagalan pa ako magkaron ng kakayahang kumuha ng lessons.
Nakatira po ako sa may looban ng COA Commonwealth avenue area, pero baka malipat kami sa maligaya near sm fairview.
Sana po mameet ko kayo minsan ng personal, at sana po ay may maibigay kayong payo sa akin. Maraming salamat po!
(Sorry din po pala kung nadoble ang message ko dito at pm sa inyo, hindi ko po kasi sure kung pumasok, at kasi may dinagdag at inedit din po akong details. Thanks ng madami!)