May tanong lang ako mga sir, pumunta ako nung nakaraang sabado kay Mang Max Rufo para ipa-setup yung gitara ko at para i-level yung frets, nagtaka lang ako dun sa isang helper o tao ni mang Max kasi nung tapos na niya i-level yung frets at parang lilinisin na niya, una nag spray siya ng WD-40 sa basahan tapos pinupunas niya sa frets, kaso ang ipinagtaka ko, nag-spray na siya ng WD-40 sa fretboard (rosewood) ng gitara ko. Ang tanong ko lang mga sir, okay lang bang i-sprayan ng WD-40 yung fretboard? Tsaka pwede rin ba gamitin yun para sa fretboard? Ang pagkakaalam ko kasi lemon oil ang ginagamit, kaya yun din ang ginagamit ko.