hindi pa rin ako nakakapabunot, 2015 pa pala ako nagbalak. bahag pa rin ang buntot hahaha
pabunot ka na paps. sobrang lala nung nangyari sakin, bali yung dalawang lower 3rd molar (wisdom) naka horizontal siya tumubo, so binabangga niya yung 2nd molars ko. sobrang sakit. impiyerno. hindi ako pinatulog paps ng 2 araw. so nagpasked ako ng checkup sa dentist sa Makati. 8k daw per teeth sabi ko [apple] ang mahal. coincidence naman yung kapatid ko din magpapabunot ng ipin, nirefer ako sa dentist niya sa Pacita, San Pedro, [apple] nung pinacheck ko sakanya, 7k lang, 2 ngipin na. mas magaan pa kamay ni doc.
ang nangyari, binunot niya yung isa, tapos nakita niya, wakwak na yung 2nd molar
kaya pala ansaket, hinuhuay nung 3rd yung 2nd molar huhuhuhu so tinanggal na niya yun 3rd and 2nd molar sa kaliwa.
walang sakit yung operation. mejo matagal lang. umabot ng 2 hours yung sakin sa left side. pero walang sakit. kahit pagkatapos at nawala na yung anesthesia, walang kasakit sakit. ni hindi ko nagamit yung painkillers na bigay ni doc.
hindi na muna niya binanatan yung kabila para daw makapagpahinga ako. bumalik ako after 1 week. pinatanggal ko na rin yung right side.
bali, 1st molars nalang natitira sakin
advice ko lang, habang maaga patanggal mo na yang impakto wisdom na yan bago masira ngipin mo papsi. wala namang kasakit sakit, just follow the doctors advice.
7600 nagastos ko lahat lahat, 2 impacted 3rd molar, 2 normal extraction n sira na 2nd molar, plus cleaning. ngayon? swabehan na, mas comfy ako ngayon.