blair witch project...
bukod sa madilim yung dating nung lugar, malilito ka pa sa controls. eh yung kwarto pa nung kuya ko, katapat eh mapunong bakanteng lote na madilim tapos dun ka pa nakaharap kapag naglalaro ng pc... langya, kahit saang lugar mo padaanin yung player mo, may mumu. napasigaw nga kami ni kuya nung idinaan ko yung babae(di ko na natatandaan yung pangalan kasi nga natatakot ako) sa ilog, kasi biglang may sumulpot na kamay tapos kinuha sya... di nga makalaro si kuya nun kapag wala ako. katakot!