The best ang EB kanina! Swabe lang. Wala akong makitang reason na hindi matuwa sa mga nangyari kanina.. May sistema eh, started sa opening with thoughts, then rudiments, then sharing na, and so on. Galing! Sana next time ganun ulit o mas mag upgrade pa. Mas maging makabuluhan pa lalo ang makabuluhan kanina
One thing I liked about kanina bukod pa sa mga bagong nakilala like Nikos, Ralph, and sir Reggie, is walang intimidation. Walang mahangin, walang hambog, lahat gusto lang mag share at matutunan ang ibinahagi ng iba pang nandon. And pag wala kang ma-share, hindi ka nila hihilahin pababa, ibu-boost pa self confidence mo and bubuksan pa isipan mo sa lahat ng possibilities and marerealize mo mga kaya mo pang gawin in your own playing character.
Salamat kuya Alvin sa pag organize nito at sa pag unawa na kailangan na rin mauna dahil may rehearsal pa. Nice seeing you ulet! Salamat kay boss Vinci sa venue at sa isa pang dahilan. Hehe. Salamat sa presence ni kuya Pao Vivas sa mga binahagi niya, nice seeing you din ulet. Sa mga bagong kakilala, mismo kayo! Ralph, Nikos, sir Reggie! Ralph, Drum EB yung kanina eh, tsaka na naten pag usapan yung tungkol sa gitara. Hehe. Nikos, nice to meet you bro! Wag mo na ulet baliin forearm mo bago ang gig! Haha. Ganda pala ng sticks mo! Sana maka-score ako niyan. Sir Reggie, its never too late to learn more and more. Ang sarap ng marameng natututunan sa mga trusted musicians like kuya Alvin. Quality ang binibigay eh.
Gusto ko yung mga natutunan ko about Rudiments especially yung binahagi ni kuya Alvin sa singles and doubles na yun lang naman talaga ang basic foundation. Maganda rin na this time, itatama na naten yung mga maling nakasanayan dati.
Maganda rin na konti tayo, mas tutok, mas focused. Pero maganda rin sana sa part 2 kung may mga dadagdag pa. Sana makapagset ako ng EB dito sa bahay one time. Ako naman ang dalawin niyo dito sa North! Walangya lahat pala kayong kasama ko kanina taga South eh! Hahahahaha
Anyway, salamat! Maraming salamat sa kaganapan na to.. Hindi ko na mahintay yung part 2! Mas paghahandaan ko yung mga ise-share ko