TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Tech Forums => Gadgetopolis => Topic started by: extrimity on June 03, 2015, 08:26:00 AM

Title: led tv built in player
Post by: extrimity on June 03, 2015, 08:26:00 AM
Tanong ko lang po, may tv po ako na 32" hd ready na pagnagplay ako ng movies na 1080p hindi masyadong crisp yung picture. Pagbumili ba ko ng mga Full Hd player mas magiging ok yung picture quality? TIA
Title: Re: led tv built in player
Post by: sonicassault on June 03, 2015, 08:59:26 AM
Tanong ko lang po, may tv po ako na 32" hd ready na pagnagplay ako ng movies na 1080p hindi masyadong crisp yung picture. Pagbumili ba ko ng mga Full Hd player mas magiging ok yung picture quality? TIA

built-in yung player, tama? parang malabo na ganun kapangit yung built-in player dahil software lang yan at ang gagawin lang naman nya ay mag playback ng file. check mo yung file baka pangit naman talaga yung quality, either hindi sya talaga 1080p, sobrang pangit ng compression, 1080p nga pero cam footage naman, or mas malapad na ratio yung gamit ng pelikula (say, CinemaScope) tapos sinagad para walang letterboxing. Sa lahat nyan unang pusta ko yung pangit yung compression ng nakuha mo na file. ang kaso kasi kung kukuha ka ng separate player, pareho lang yan ng sinaksak sa loob ng TV mo nung manufacturer.
Title: Re: led tv built in player
Post by: randymarsh on June 04, 2015, 05:14:24 AM
Playstation 3 or 4 may video upscaling. Or hanap ka ng player na may ganitong feature.
Title: Re: led tv built in player
Post by: extrimity on June 04, 2015, 09:49:11 PM
ah ok naman po yung file..kasi pagsa samsung ko plinay ung movie ang linaw talaga siguro dahil 40" full hd ready.. yung isa kasi skyworth 32" hd ready lang. akala ko paggumamit ako ng player na full hd player eh mag improve yung picture quality.
Title: Re: led tv built in player
Post by: sonicassault on June 05, 2015, 09:16:55 AM
ah ok naman po yung file..kasi pagsa samsung ko plinay ung movie ang linaw talaga siguro dahil 40" full hd ready.. yung isa kasi skyworth 32" hd ready lang. akala ko paggumamit ako ng player na full hd player eh mag improve yung picture quality.

Assuming na
1. file is 1080p
2. "Full HD" means a display with 1080 lines
3. "HD" means a display with at least 720 lines

dapat hindi bababa yung quality at all kung resolution lang ang pag-uusapan. I have a rip of Halo 4: Forward Unto Dawn from YouTube, 1080p. Of course may artifacts yan dahil sa compression, but overall the quality is superb. Yung monitor ko sa computer ko 21" Samsung HDTV 1080 lines. In all regards sharp yan, maganda naman ang quality. Exactly how you would expect a full HD display to behave. Meron din kami 40" LG HDTV, 720 lines lang, which in any metric, inferior to the 21" full HD display (bigger screen with lower resolution, effectively). Pero pag pinlay ko yung source material, pareho lang, still sharp. Meron din dati JVC 32" HD 720 lines lang din, and as far as image quality is concerned, ok pa rin. sumisinok lang (low framerate) kasi di nya kaya yung output ng HDMI (mabagal ata internal processor). In short, dapat walang effect yung resolution (Full HD vs HD) ng display mismo sa quality ng image, nor should the player, because if anything, hindi lang nya ipplay yung file mo.

Ang naiisip ko lang talaga either:
1. sobrang walang kwenta yung codec na ginagamit ng 32" TV mo (which is highly unlikely), or
2. pangit yung quality nung display mismo (low contrast ratio, low refresh rate, ghosting, etc), or
3. pangit ang settings mo (brightness, color, contrast, temperature, black point, eco mode, etc)
Title: Re: led tv built in player
Post by: royc on June 07, 2015, 12:48:25 PM

ah ok naman po yung file..kasi pagsa samsung ko plinay ung movie ang linaw talaga siguro dahil 40" full hd ready.. yung isa kasi skyworth 32" hd ready lang. akala ko paggumamit ako ng player na full hd player eh mag improve yung picture quality.

Baka hindi maganda ang video ng skyworth compared sa samsung. Iba pa rin ang quality ng branded.
Title: Re: led tv built in player
Post by: extrimity on June 20, 2015, 08:47:32 PM
siguro nga po hindi maganda yung video ng skyworth,..so kahit bumili ako ng mga external player hindi na po ba mag iimprove yun?
Title: Re: led tv built in player
Post by: royc on June 20, 2015, 11:36:11 PM
Wag ka muna bumili humiram ka muna ng player and test