meron din naman mga ganyan... yung tipong alam na nila ano para sa kanila yung ideal crash sound kaya puro galing sa model na yun yung gamit nila, iba iba lang size para may variance sa pitch.
sa pagkaalala ko si lars ulrich puro A Medium Crash. si dennis chambers, adik sa K Custom Fast Crash. si Tomas Haake, mga oversized HHX Stage Crash naman. si dave lombardo naman ata puro Rude Crash/Ride. tapos syempre yung mga may signature model ganun din. sila Weckl (HHX Evo or Legacy), Peart (Paragon), etc.
para sa akin limitado kung ganong pare-pareho lang mga crash mo, kaso kung para sa yo meron talagang isang model na nakakahuli ng panlasa mo, eh di ayos din na set up yan.