Wow sa Fernando Unique Series Guitars.
Napadaan ako sa JB SM Pampanga kanina at katulad ng lagi kong ginagawa pag nasa Mall, Guitar Porn, di ko matanggal yung mata ko sa Puting LP.
Tinignan ko yung Price Tag, napa-Wow na naman ako, grabe di ko akalain na yung ganung kagandang Gitara eh mabibili mo sa ganung presyo.
Chineck ko yung Gitara pero di ko tinest dahil wala naman talaga akong pambili. Grabe wala akong nakitang flaws sa Gitara. Pati yung mga Strat ang ganda din.
Basehan ko sa pagsasabing maganda eh yung General Look and feel nung Gitara, plus yung Hardwares, lupet, ayoko mag-comment sa sound dahil unang-una di ko pa siya natest.
Medyo tinamad na nga ako mag-ipon para makabili ng Electric kasi feeling ko wala naman akong mabibiling matino sa ganong Price Range.
Paalam na sa Extra Rice, Paalam na muna sa West Ice, back to MLM muna.