Oo, dahil sa sa tropical country tayo. Kailangan mo talaga ng dry cabinet/dry box. Mahirap nang magka-fungus, moisture ang lens, cam.
Ako. I use a DIY dry box. Nabili ko yung air tight case sa ACE Hardware 15L yung binili ko. Forgot na brand, pero sabi nila yung Lock & Lock daw ok.
Para sakin, hindi reliable ang silica gels, so ang binili ko recharegeable dehumidifier. Tapos digital hygrometer. Wala akong tiawala sa analog eh. Nabili ko sila sa MRG Trading. Search mo nalang sya sa Facebook.
Oh, BTW masyadong mababa ang 30-40% relative humidity. Basahin mo manual ng camera and lenses mo. Nakalagay dun kung ilang % ang RH nila dapat. Sakin, dapat nasa 45-60%. Ang medyo nakaka-hassle lang jan yung monitoring ng RH %. Kasi dapat hindi masyadong mababa, hindi masyadong mataas. Pero pag nasanay ka na, ok naman din.
Pero by November, magapapalit na din ako to Dry Cabinet. Just plug it and wala ka nang pro-problemahin.
Eto yung dry box ko
Eto yung rechargeable dehumidifier
Eto yung digital hygrometer