wow thats very interesting sir.. thanks.. pero may ma rerecommend ka bang brand?.. yung hindi carbonated.. at may alcohol percentage ba ang mga red wine?..
yung walang carbonated elements po.. thanks.. mag try ako.
Pag red wine naman, wala naman carbonated. Ang carbonated lang ay ang white sparkling wine at champagne. Ang kadalasang alcohol percentage ay mga nasa 12% to 14%; mababa kumpara sa 40% ng vodka at matas kumpara sa 4%-7% ng beer.
Depende sa tatak, lugar kung saan ginawa at ubas na ginamit ang timpla at lasa ng red wine. May iba't ibang klase ng ubas na ginagamit sa paggawa ng red wine. Ang mga pangkaraniwang binebenta sa grocery store ay gawa sa Cabernet Sauvignon, Merlot, Shiraz at Pinot noir. Hindi naman gaanong magkakalayo ang lasa, pero para saakin, ang pinaka gusto ko ay ang Cabernet Sauvignon at Pinot noir. May pinagkaiba din ang lasa depende sa lugar; ang mga kadalasang nasa grocery ay galing California, Spain at Australia.
Ang mga paborito kong tatak ay... PKNT, Gato Negro at Yellow Tail. Mura lang pero masarap.
Pinaka hindi ko gusto ay ang Franzia Chillable Red. Ang sagwa ng lasa.
Suggestion ko din, bili kayo ng malaking goblet para sa pag inom ng red wine. Dati hindi ako naniniwala na naaapektuhan ng baso ang lasa ng red wine; pero nang nasubukan ko ay may pinagkaiba nga talaga. Hindi ko alam kung bakit pero, mas masarap ang red wine pag nasa goblet na mataas, manipis at kulob.
Hanap din kayo ng resources sa 5s of wine tasting para mas maappreciate nyo ang paginom ng red wine.
http://losu.org/lifestyle/how-wine-tasting-works