uy, pag di kayo naglagay sa thread na ito, ibig sabihin, mga master na kayo...
^ ok. this felt like a kick in my as. so post ko na ang mga gamit ko sa home recording. sorry kung mga pictures from the net lang ang gamit ko. Wala kasi ako matinong camera. ill post the actual pictures kapag nahiram ko na sa girlfriend ko camera niya. may camera phone ko pero sa tingin ko di niyo ma-apreciate quality.
according to the chain's order:
amps:Fender Sidekick Reverb
nabili ko dito sa philmusic. 3rd owner na ako pero ganda parin ng tunog. KAYA LANG. pagdating sa metal na bands. kulang na kulang ang gain. so, lagi ako gumagawa ng back-up na track. tapos re-amp later. Dahil wala ako pambili brand new marshall... boss metal zone ang gamit ko para sa mga bands na kinakailangan ng ganun klaseng distortion.
Behringer BX300
brand new ko nabili sa stagepoint, raon. pero bebenta ko na din. gusto niyo? nasa classifieds siya ngayon. kailangan ko kasi pera ngayon eh.
mics:
Shure C606
meron akong 4 pieces niyan. gamit ko sa crash, ride, first tom, and hihats
yung pinaka-unang piraso niyan nabili ko 4 years ago. nanalo yung band namin sa band contest, may 3k na premyo. sabi namin yung 1k pambili ng mic. mula nun, nainlove ako sa disenteng quality niya chka mababang presyo.
Shure PG48
Gamit ko sa Snare, Floor Tom, Guitar Amp
May Dalawang piraso ako niyan. kabibili ko lang. Sa StagePoint din. inutang ko pa kasi napipikon na ako sa hiraman ng mic ng rehearsal chka recording studio. so naisip ko magdagdag nalang
Samson CO1u large diaphragm Mic
Galing Audiophile. USB mic binili ko kasi wala ako mixer. at wala ako pre-amp. wala din ako stand-alone phantom power. kaya yung pinaka-intelligent na mic nalang ang binili ko. though some of you can attest that this is not the best.. it serves the purpose well. gamit ko sa kick drum, vocals, at bass amp. ayaw ko sana gumasta pero habang tumatagal napapansin ko ang kakulangan ng mga dynamic mics ko.
SoundCard:Galing ito kay George Estregan ng philmusic din. sa classifieds ko nabili pero hindi pa nagagalaw. nasa plastic pa siya nung nabili ko. Ang gusto ko lang ay mahihiwalay ko lahat ng parts ng drumset at makapag-live recording (ano ba tawag dun sa magrecord ka ng sabay sabay pero multi track parin? live recording ba?)
Software:Cakewalk Sonar 7
yan ang gamit ko dahil wala ako ibang alam na gamitin. 8 years ago, pinakilala saakin ng tito ko ang Cakewalk 9. Akala ko patay na ang cakewalk nung lumabas ang unang sonar. hindi pa pala. pinalupit lang!
Monitor:Behringer Ms16 - gusto ko to kasi merong mic input. pwede ako magpractice ng bass dito! 2nd hand, nabili ko sa isang DJ na nangangailangan ng pera
Bheringer HMP1000 - Galing Stage point. 1500 daw. tinawaran ko naging 1000
Behringer Boy ako kasi... mura!!!
mixer-less ako
At lahat ng yan ganito ang tunog: http://www.imeem.com/people/kbfzdqQ/music/Band po yan ng pinsan ko.
ayan. whew! nagpost na ako...
sabi nga ni Sir MarvinQ...
MASTERS lang ang HINDI magpopost dito!