warning: long post
Share ko lang po experience ko about learning drums. Matanda na po ako, wala na ako sa kalendaryo. Matagal ko nang gustong mag-aral ng drums pero parating deprioritized. Lately, napagisip-isip ko na dapat isingit ko na ang pag-aaral otherwise baka hindi ko magawa at maging huli na ang lahat
. So, simula na ang paghahanap ng magtuturo...
Naniniwala ako ng walang isang teacher na pwede sa lahat ng estudyante. Different teachers for different students.. Different teaching styles for different students. Personal na experience ko po ito. Maaring maiba ang sa inyo.
Sa opinyon ko lang, ito ung mga tingin ko dapat kong hanapin sa isang guro:
- marunong makipag-communicate (verbal, non-verbal/actions, and demo)
- tumatanggap at umaamin na hindi nya alam lahat ng bagay. Kung may tanong ako na hindi masagot or hindi nya alam, sasabihin nya na hindi nya alam at ituturo nya kung saan/kanino mo pwede itanong at makuha ang sagot
- life-long learner -- since alam nyang hindi nya alam lahat, gumagawa ng paraan para matutunan ang iba pang bagay. Hindi tumitigil sa mga alam lang nya at lumalabas sa kanyang "comfort zone"
Yan ung parang basic na hinahanap ko sa magtuturo.
Sa kaso ko, alam kong 1 or 2 months lang ako pwede mag-lesson so dapat ang guro ay flexible (lalo na in terms of payment -- ung pwede per session). Kaya ding sanang mag-adapt dun sa kinakailangang pace. Sobrang beginner/newbie ako so isa din sa consideration yon. Mahirap naman kung sa mga master ako kaagad magpaturo kasi sayang naman ang kanilang oras at galing kung ang ituturo lang sa akin ay yung sobrang basic. Isa pa, most likely puno na yung schedule nila; and konting-konti lang ung vacant na time slots ko within the week dahil sa priorities.
Searched sa philmusic forums... tumingin ng feedback... looked at how the prospective teachers
communicate/interact/deal with other people (if available). Tinignan ko ung more or less match dun sa basic na hinahanap ko sa itaas. I initially asked JP kung meron syang kilalang kayang magturo ng drums though alam ko na na pasok na sya dun sa basic reqs ko. From there, nagtungo sa pagpapaturo ko sa kanya under jihad.
Ang gusto kong matugtog ay rock, progressive, funk, latin/afro-cuban/brazilian and jazz. Alam kong rocker si JP. Not sure about the funk and definitely not jazz
. Anyway, with the short 1 to 2 months that I have, alam kong hindi ko matututunan ung iba so ok din to start with rock.
Had 4 sessions with him and so far lessons are great. Basics ng strokes, paradiddles, triplets, flams and combinations. Application nung mga yon sa drumset. Natutunan din ang basics ng double bass drumming. Hindi man sya jazz drummer pero I can see na he's trying his very best learning that (satisfies my third basic req).
So, if you more or less have the same "condition" as mine, or you have the same basic requirement as mine, you might want to try jihad. Kung hindi nyo man magustuhan or you think you need a different teacher, you can always go to a different teacher since your commitment is on a "per session" basis. But don't let this make you think that he will just teach you during the session .. in fact he will bug you (via yahoo messenger or forum pm) to practice the exercises.
Ah, hindi ko pa pala naikwento ung tungkol sa "having fun" and ung "inspiration/motivation parts"... I'm sure you can imagine ...
sayang walang smiley/emoticon na mahaba ang buhok eh .. afro lang ...