Mga 2008, sa ukay ukay, may nachambahan akong kimono at hakama na binebenta. Since fan ako ng samurai culture and philosophies, binili ko. Lumang luma na nga lang. Makati sa balat yung tela. Tapos amoy luma na talaga. Sinuot ko one time, medyo maliit sa akin. Bitin ng kaunti yung sleeves pati yung hakama, parang capri pants ang sukat sa akin haha.
Fast forward December 2016, meron akong binili na katana para sa anak ko. Yung pandisplay lang, walang talim. Yun yung nirequest niyang regalo nung pasko.
One time, nakaleave ako nung April of this year lang. Wala ako magawa, sinuot ko yung kimono at hakama, tapos pinaglaruan ko yung katana, ginaya ko mga napapanood ko sa Samurai X haha. Tapos kung ano ano sinasabi ko tipong, "...as the warrior poises to strike the enemy with one slash, the wind blows ever so gently, signaling a calm before the actual storm to come blah blah blah..."
Habang ginagawa ko yun sa kwarto, pinapanood pala ako ng nanay ko. Mukha daw akong [chewbacca] haha.