TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

Anything Goes => Kalusugan, Kakisigan at Kaayusan => Topic started by: mozart123 on March 25, 2018, 04:24:06 PM

Title: Babae, nalapnos ang kili-kili dahil sa bawal na pampaputi
Post by: mozart123 on March 25, 2018, 04:24:06 PM
Nalapnos ang balat sa kili-kili ng isang 18 anyos na babae sa Victoria, Tarlac matapos umanong gumamit ng ipinagbabawal na whitening product.

Sa Facebook post ni Ranz Harley, ikinuwento nito na bumili ang kaniyang kapatid ng Goree Beauty Cream mula sa isang online seller.

 
Sa unang paggamit pa lang umano ng produktong pampaputi ay nangati na ang bahaging pinagpahiran. Makaraan naman ang dalawang araw ay nagkapantal na ito.


http://news.abs-cbn.com/news/03/25/18/babae-nalapnos-ang-kili-kili-dahil-sa-bawal-na-pampaputi
Title: Re: Babae, nalapnos ang kili-kili dahil sa bawal na pampaputi
Post by: marzi on March 26, 2018, 08:27:36 AM
^nakita ko kahapon yan.

maganda yan pag may nakaaway ka e. lagay ka nung lotion sa palad mo sabay sampalin mo yung kaaway mo. maaalala ka nya ng ilang buwan.
Title: Re: Babae, nalapnos ang kili-kili dahil sa bawal na pampaputi
Post by: red lights on March 26, 2018, 08:39:55 AM



baka naman pumuti dahil yung peklat na iiwan puti