bakit lahat isip agad na nanlalait ang sabihin na panget ang mga yan? eh panget naman talaga sila. dumaan din ako diyan, kaya alam ko.
ang punto ko lang eh dapat matalino sa gastusin. andaming nasasayang na pera kapag laging nag-uupgrade ng paunti-unti, kasi sa totoo lang ang binabayaran mo talaga sa pagbili ng mga low end na series ng mga sikat na kumpanya ay yung pangalan ng kumpanyang gumawa, at hindi yung cymbal mimso. lalong masakit ito para sa mga baguhan na di pa pulido ang pagpalo kaya laging nakakabasag ng cymbal, kasi gastos na naman ulit para sa di naman maganda tumunog at matibay.
huwag maging atat na bumili ng cymbals na low end na may sikat na tatak.kapag di pa okay ang technique mo at lagi ka pa rin nakakabasag, eh di sa generic ka muna para makatipid kahit onti.
kapag okay ka na pumalo kaso kapos sa budget, mag-ipon pa ng onti at bumili ng mga affordable kaso matino ang quality, kesa bumili ng low end na may magandang pangalan kaso tunog pisang lata naman. kahit ang sabian b8, paiste pst5, at zildjian zbt ay di hamak na mas matino naman kesa sa hcs/solar/101/planet z.
at kung kayang mag-ipon lalo, pwedeng maghanap ng mas mura talaga na brand (stagg), ng semi-pro level na okay tumunog (paiste alpha), o kaya maghanap sa classifieds ng mga bargain. maraming pagpipilian at pagkakataon, basta handa kang mag-ipon at maghintay.
oo, nagiging stepping stone talaga ang mga low end cymbals na yan, kaso hindi sila necessary na stepping stone. onti na lang na dagdag kasi, mas maganda talaga ang makukuha mo. kumbaga, mas magandang investment ang kalalabasan pag nag-ipon pa ng onti. at mababawi mo rin naman yung dagdag mong inipon kasi kahit ang mga mid-level na cymbals eh at least may resale value. ang low end, halos wala.
edit:
yeah..ako nagsimula din sa planet z un old models and i appreciate them. kahit na brass cymbals lang eh still tunog cymbals pa din.
yung lumang planet z ay b8 bronze, hindi brass. more or less katumbas nila ang zbt ngayon, at hindi ang mga planet z ngayon. actually okay ang mga yan, lalo na pag ikumpara sa mga kasulukuyang entry level.