Frustration ang number 1 dahilan bakit ako lumayas sa banda ko. Though very promising sana yung naging career namin, lalo na nung start, masyado naman nagging comportable yung ibang miyembro namin nung narrating namin yung certain point.
nung start kasi nung banda nung 2012. lahat ng moves namin kami. proud na proud akong sabihin na lahat yun gawa lang namin lahat. galawang indie kumbaga. from songs, recording, gigs, and videos. kami lahat nag aasikaso. nakakapagod, pero worth it talaga. tska 100% balik lahat ng kita sainyo. di pa kami nagtetech nun. kanya kanyang buhat at plug ng gamit. all us kumbaga. since wala kaming producer that time, wala ring restriction sa moves namin or mga kantang sinusulat namin. maaaring pop-ish bluesy, soul, halo halo talga. basta kung ano mag resulta sa jamming. dami naming output nun. parang non stop. Ganado lahat.
then 2013, napansin na kami ng iba't ibang mga labels. nakakaboost talaga ng confidence kasi syempre ang dating eh, everyone wanted us in their roster. pero nakaaffect din siya samin individually. syempre nagsimula na tamarin sa mga production gigs. sa mga unpaid or beer + food gigs. at that point din, very comfortable narin kami sa isa't isa. so madalang na magjam. minsan, sa mga gigs in 3 months, never na kami nagjajam. derecho gig nalang. yung gig na yung ginagawang practisan. in effect din however, di na kami nakapagsulat ng mga bagong kanta namin. kung ano singles namin nung 2013, yun parin tinutugtog namin nung 2014 and 2015. wala nang bago.
nung naging routine na ang pagtugtog namin, dun na nagsimulang maglabasan ang frustrations. si kabandang ganito tumigil na mag practice ng instrument niya, si kabandang ganito lumalaki ulo kasi napapansin na ng fans, si kabandang ganito nagiging kupal na. mga ganun. di nagtagal nagkaron na ng mga inside tampuhan between the members. kaniyakaniyang hinanakit. pero di naman makapaglabasan ng sama ng loob for the reasoning na "baka mabuwag banda pag nagkalabsan ng sama ng loob" so for the sake na mag stay ang banda, everyone kept mum with their emotions and just carried on with the program. waiting for that uber big break.
then in one gig, lumabas na lahat ng frustrations ko sakanila. nagexplode ako sa gitarista namin. for the longest time kasi sa drummer ang sisi nila kung bakit di naririnig ang vocalist sa mga gig. di ko naman mareason out na hindi talaga maririnig yung vocalist dahil dalawa silang gitarista tapos may keyboards pa. tabon na tabon na yung middle frequency namin at tlagang hindi maririnig yung vocalist unless matuto kaming lumugar at pumili ng EQ range para sa instruments namin. this time however, nabwisit ako kasi anlakas ko raw pumalo eh yung tech namin may kasalanan binoost niya yung mic ng drums. nabwisit ako kasi ako lagi pinupulis nila pag bad gigs, pero pag sila mali di nila magawang ayusin. (i.e. bokalista namin di magaling mag live, gitarista namin di marunong mag timpla ng effects niya, bassist namin nagpapakastar feeling maraming fans)
at that point, dumistansya na rin ako. nagisip muna kung may kahahantungan nga yung effort namin in the long run. during that period wala man lang humingi ng apology sa kanila. after one week. nag message na ako sa kanila na I was leaving the band already due to unresolvable conflict. napagisip isip ko na rin kasi na nexperience ko na ahat ng gusto ko ma experience dun sa bandang yun (i.e. out of town gigs, paid gigs, front act sa major concert, etc.)
after a few months, sumunod na rin umalis yung bahista, and then yung gitarista umalis na rin.
looking back, it makes me think about a lot of what ifs. mga tipong, kung di ba kami pumirma sa label na to, eh magkakasama parin kaya kami ngayon? funny thing is, di pa sikat IV of Spades nun, nakiusap manager nila to be included in the front acts for our video launch. ngayon mas household name na sila hahaha. you win some you lose some din talaga.