TALK @ PhilMusic.com - The Online Home of the Pinoy Musician

The Musician Forums => Pinoydrums => Topic started by: zachki on August 20, 2011, 09:36:20 PM

Title: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 20, 2011, 09:36:20 PM
mga bro share natin ang mga dina-ramdam natin as a drummer,
baka matulongan tayo ng kapwa drummer..

Rock on :evil:

share ko sakin

umaga 5am nag jogging ako to 6am which is i dont usually do..
then 6am onwards nag rest ako sumakit yung joint ng tuhod ko pag nilalakad ko
pero may band practice ng hapon so ininda ko buong araw and kahit malayo yung byahe ininda ko parin,
pagtapos ko mag drums nawala yung pain pag naglalakad,.. pero after ko magpahinga bumalik na sya ulit
baka may naka ranas na sa inyo neto mga bro :-D
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: bulok on August 20, 2011, 10:27:31 PM
ang masakit lang talaga sa akin lalo na nung nagumpisa ako nahilig sa drums.... BULSA! :|
hirap magipon ng pera! :-D

joke lang.. pero totoo yung sinabi ko.. masakit sa bulsa :-D kamay at braso, 6hours ako nagdrums kanina hehe kahit na proper grip parin talagang sasakit at ma-stress ang muscles, nagreresearch nga ako ngayon para makaiwas sa carpal tunnel syndrome e mahirap na
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 20, 2011, 10:46:13 PM
ano yung carpal tunnel syndrome bro? nakakatakot ahhhhhh :-o
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: glennaui on August 21, 2011, 06:45:37 AM
wen I switch sticks from 5A sa 7a sumasakit yung lower part ng kamay ko... I gave too much space on 7a's... Naglalaro sya masyado sa kamay ko kaya kung munsan pa nga after ng gig may Bedsores agad... Kaya di ako makaswitch eh... balik 5a ulit... But 7a makes my snare sounds nicer...
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: dreddurius on August 21, 2011, 11:16:25 AM
Yung space sa gitna ng ring finger tsaka middle finger. Pag naka traditional grip masakit sa balat lalo na pag wala pang kalyo >.<
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: bulok on August 21, 2011, 12:47:58 PM
ano yung carpal tunnel syndrome bro? nakakatakot ahhhhhh :-o
basahin mo na lang dito sir: http://en.wikipedia.org/wiki/Carpal_tunnel_syndrome
ganyan kasi nangyari sa nanay ko pero hindi pa naman malala..
advice din ng doctor maganda daw na uminom ng mga vit B complex para sa blood circulation ng dugo para maiwasan ang pagka-paga ng ugat may mga exercises din para makatulong para ma-relax ung muscles at nerves e.. hindi ko pa lang alam
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: miggi20 on August 21, 2011, 06:24:46 PM
sumasakit yung right shoulder ko hanggang sa likod, madalas itong mangyari lalo na kapag mahaba-habang tugtugan :x
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: lizsa12 on August 21, 2011, 07:16:18 PM
wen I switch sticks from 5A sa 7a sumasakit yung lower part ng kamay ko... I gave too much space on 7a's... Naglalaro sya masyado sa kamay ko kaya kung munsan pa nga after ng gig may Bedsores agad... Kaya di ako makaswitch eh... balik 5a ulit... But 7a makes my snare sounds nicer...

Same happened to me. I guess I'll try switching to 5a's again.  :-)
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: glennaui on August 21, 2011, 07:32:19 PM
Same happened to me. I guess I'll try switching to 5a's again.  :-)

oo nga maam... kaya talagang im sticking with 5a... kung mas mataba or mas mapayat na drumstick gamitin ko... nagkakabedsore ako...

Di bale, very comfortable naman talaga ako sa mga 5A... :-D
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: pmack on August 21, 2011, 10:06:24 PM
sa akin, my @ss literally hurts after 2-3 hours of jamming.
kung praktis mag-isa, okay lang kasi pwede tumigil.
eh kaso madalas tumatagal ng ganung length of time ang jaming namin nung isa kong banda.
aray.
:-D
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 22, 2011, 01:30:46 PM
sa akin, my @ss literally hurts after 2-3 hours of jamming.
kung praktis mag-isa, okay lang kasi pwede tumigil.
eh kaso madalas tumatagal ng ganung length of time ang jaming namin nung isa kong banda.
aray.
:-D

bro pmack buti ikaw pwet lang, sakin ung buong likod ko... abnormal ata ako e DX
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: nhoel on August 22, 2011, 06:18:24 PM
Bro sign yan na nabanat ang muscle mo.. yan yung mga tulog na muscle's na napuwersa, ang dabest na gawin yan sundan lang, jogging ka lang ulit para lalong madevelope ang muscle's mo... kailangan din kasi talaga natin edevelope ang muscle natin sa lower part natin....

mga bro share natin ang mga dina-ramdam natin as a drummer,
baka matulongan tayo ng kapwa drummer..

Rock on :evil:

share ko sakin

umaga 5am nag jogging ako to 6am which is i dont usually do..
then 6am onwards nag rest ako sumakit yung joint ng tuhod ko pag nilalakad ko
pero may band practice ng hapon so ininda ko buong araw and kahit malayo yung byahe ininda ko parin,
pagtapos ko mag drums nawala yung pain pag naglalakad,.. pero after ko magpahinga bumalik na sya ulit
baka may naka ranas na sa inyo neto mga bro :-D
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: pmack on August 22, 2011, 07:57:53 PM
bro pmack buti ikaw pwet lang, sakin ung buong likod ko... abnormal ata ako e DX

ganyan din dati, pati likod bro.
simpleng adjustment lang ng throne height ang sagot dyan.
also, dapat rin maganda yung throne mo in the first place. maganda yung cushion support para yun ang nag-aabsorb ng movement mo. mahirap kasi pag matigas yung throne, yung b u t t mo nag-aabsorb ng movement. pag mahabang praktisan yan, dyan na umaakyat sa spine yung sakit. yikes! :)
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: jckazs on August 22, 2011, 10:14:36 PM
ganyan din dati, pati likod bro.
simpleng adjustment lang ng throne height ang sagot dyan.
also, dapat rin maganda yung throne mo in the first place. maganda yung cushion support para yun ang nag-aabsorb ng movement mo. mahirap kasi pag matigas yung throne, yung b u t t mo nag-aabsorb ng movement. pag mahabang praktisan yan, dyan na umaakyat sa spine yung sakit. yikes! :)

good advice
Importante talaga throne, parang mas importante pa to kesa sa magandang pedal. Iwas injury, komportable kaya masmatagal makaka praktis. Makakatulong din sa technique dahil ok balance pag solid yung upuan
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: rapmeister05 on August 22, 2011, 11:59:26 PM
sa akin sa lower part ng left palm ko, yung parang sa laman ng thumb sa palm... di ko alam baka mali lang akong ng grip pero feelin ko tama naman  :? match grip ako. sa right hand ko naman ala prob...
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 23, 2011, 09:09:52 AM
ganyan din dati, pati likod bro.
simpleng adjustment lang ng throne height ang sagot dyan.
also, dapat rin maganda yung throne mo in the first place. maganda yung cushion support para yun ang nag-aabsorb ng movement mo. mahirap kasi pag matigas yung throne, yung b u t t mo nag-aabsorb ng movement. pag mahabang praktisan yan, dyan na umaakyat sa spine yung sakit. yikes! :)
sounds like buying a good drum throne is a good investment for practicing at home, since sa home lang naman matagal mag practice eh,... thanks sir pmack really helpful.. canvass time na! :evil: baka may masugest ka na maganda bro ehehe

wen I switch sticks from 5A sa 7a sumasakit yung lower part ng kamay ko... I gave too much space on 7a's... Naglalaro sya masyado sa kamay ko kaya kung munsan pa nga after ng gig may Bedsores agad... Kaya di ako makaswitch eh... balik 5a ulit... But 7a makes my snare sounds nicer...
bro ako i use 5b and 7a and 5a sticks, i switch sticks depends on my comfortability sa song and sa mood, so far kalyo lang natatamo ko,.. hindi kaya nakaka carpal syndrome yung ginagawa ko bro?

sa akin sa lower part ng left palm ko, yung parang sa laman ng thumb sa palm... di ko alam baka mali lang akong ng grip pero feelin ko tama naman  :? match grip ako. sa right hand ko naman ala prob...
nako bro ingat lang baka carpal symdrome na yan eh parang sikat ata yun na kaaway natin mga tambolero eh!

salamat bro as soon as ok na yung joint ko jogging na ulit ako...
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: rapmeister05 on August 23, 2011, 07:28:25 PM
nako bro ingat lang baka carpal symdrome na yan eh parang sikat ata yun na kaaway natin mga tambolero eh!

hala ganun? maresearch nga yan...  :? madami bang tambulero nagkakaganyan?
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 23, 2011, 10:20:55 PM
hala ganun? maresearch nga yan...  :? madami bang tambulero nagkakaganyan?

uu ata bro... matinding kaaway ng mga tambulero "daw"  yan
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: rapmeister05 on August 24, 2011, 03:33:05 AM
awts... ge bro thanks for the info  :-D hopefully di pa naman ganun tong nararamdaman ko heheh... sana  :|
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: ken minneman on August 24, 2011, 05:37:10 AM
...nagreresearch nga ako ngayon para makaiwas sa carpal tunnel syndrome e mahirap na

dito rin ako natatakot bro.. pero since di ako masyadong napalo ngayon.. oks lang.. :))
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: jaycol on August 24, 2011, 09:11:14 AM
Ako naman, sumasakit yung pollicis muscle ko. Yung kalagitnaan ng thumb at palm mismo, pag masyadong malakas ang palo. Pero pag nasanay na, ok naman. Pag tumigil naman, sumasakit din pag minamasahe. Ayun.
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: mybabyowen on August 24, 2011, 10:07:56 AM
drum throne is a good investment,sa church wood stool lang kaya kapag madalas mangawit thigh part yung sa baba ng pwet at minsan namumulikat kaya advisable ba kumain ng saging before magdrums or palitan ang drum stool,hehe... :?
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 24, 2011, 11:31:44 AM
baka may masusuggest kayo na experienced nyo nang gamitin sa drum throne na sa tingin sobrang panalo at helpful :mrgreen:
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: edisonmooch on August 24, 2011, 05:08:55 PM
may tendonitis ako sa right shoulder ko. :(
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: otepandrew on August 26, 2011, 02:25:09 AM
ako ung right leg ko naka single peds kasi ako eh syempre sa dalas na ginagamit un sa bass drum pedal ang bilis pa ng paa sa pag sipa sa pedal nakakangawit din kaya pag ngawit na pa isa isa na lang ung bass haha
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: ken minneman on August 26, 2011, 06:25:22 AM
  :-D Ang masakit sakin tol yung minsan kasi marami kang responsibilidad at di mo maexercise yung passion mo..

masakit sa puso yun! yung alam mong malaki na ang ginaling mo sana kung nabigyan ka ng mas malaking break lalo na nung bata ka pa.. alam mo kasing mahal na mahal mo tong bagay na to..

lalo na pag nakakapanood ka ng sobrang galing na drummer o di kaya eh yung sobrang bata pa pero tipong "sir, paturo po.. ang galing mo bata!", Oo matutuwa ka sa panonood pero kung iisipin mo.. "gano na kaya ako kagaling kung tinuloy tuloy ko tong bagay na to? siguro kalebel ko yan o mas magaling pa ako jan... partida, self taught lang ako.." (yabang eh, pero parte ng defense mechanism mo to as a person)

Alam mo sa sarili mong marunong ka na pero hindi mo pa masabing magaling ka.. yung asa gitna ka nun tapos alam mong may ibubuga ka pa pero di mo lang alam kung anong dapat mong gawin.. (pag wala ka gear, banda, teacher, oras at (minsan) pera)

Puso ang masakit sakin tol!! PUSO!!!  (joke lang! Pero may konting degree ng katotohanan) :lol:

hehehe....

maraming sigurong nakarelate...  :mrgreen:
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 26, 2011, 06:54:35 AM

heart to heart talk bro! hahaha i appreciate your point hahahaha silly lang haha
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: ken minneman on August 26, 2011, 07:09:19 AM

ako mismo natatawa nung isesend ko na to... hahaha... ang EMO!! LOL...  :mrgreen:
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: otepandrew on August 26, 2011, 03:44:22 PM
 :-D Ang masakit sakin tol yung minsan kasi marami kang responsibilidad at di mo maexercise yung passion mo..

masakit sa puso yun! yung alam mong malaki na ang ginaling mo sana kung nabigyan ka ng mas malaking break lalo na nung bata ka pa.. alam mo kasing mahal na mahal mo tong bagay na to..

lalo na pag nakakapanood ka ng sobrang galing na drummer o di kaya eh yung sobrang bata pa pero tipong "sir, paturo po.. ang galing mo bata!", Oo matutuwa ka sa panonood pero kung iisipin mo.. "gano na kaya ako kagaling kung tinuloy tuloy ko tong bagay na to? siguro kalebel ko yan o mas magaling pa ako jan... partida, self taught lang ako.." (yabang eh, pero parte ng defense mechanism mo to as a person)

Alam mo sa sarili mong marunong ka na pero hindi mo pa masabing magaling ka.. yung asa gitna ka nun tapos alam mong may ibubuga ka pa pero di mo lang alam kung anong dapat mong gawin.. (pag wala ka gear, banda, teacher, oras at (minsan) pera)

Puso ang masakit sakin tol!! PUSO!!!  (joke lang! Pero may konting degree ng katotohanan) :lol:

hehehe....

maraming sigurong nakarelate...  :mrgreen:

tama! hehe pera ung isa sa masakit dun eh
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on August 26, 2011, 05:08:29 PM

tama! hehe pera ung isa sa masakit dun eh

hahaha, mga tol heart to heart na to!
masakit rin puso ko,
hindi ako makahanap ng banda na swak na swak sa gusto ko na tamang bigat lang, tapos hindi nila tanggap yung palo ko na medyo malakas, though hindi naman rambo sa lakas pero ung malakas at mabigat lang, ung mga banda na nasasamahan ko, lagi nila sinasabi, "dapat ganto ka, dapat ganun ka" eh ako as a drummer naiintindihan ko ung sinasabi nila, pero ako hindi nila naiintindihan, kasi i believe and i love in my own style, "wild,loud,technical,hard,clean,controlled"
nahihiya naman ako sabihin sa kanila na,,, pre ayaw ko mang gaya, i have my own style, and if youre not familiar with it, then its new, and people always looking for something new, not something they already seen and already heard...
kahit ganun sila, pinag tya-tyagaan ko sila,ginagawa kong walang hanggan ang pasensya ko, pero ang ngyayari sila pa yung hindi nakakaappreciate,.. at sila pa galit.. hays.. oh well...

mataas kasi dream ko sa music eh, i wanna revolutionize OPM, i wanna help filipino music, pero hindi ko mahanap ung mga taong makakasama ko sa pangarap na to, kaya sumasakit rin ang aking puso  :-(
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: dengot on November 07, 2011, 10:30:10 AM
ako mga bossing, may suliranin ako ngayon. lately ko lang napapansin to.
nag babanda kami, halos kahit anong kanta, lalo na pag sa mga bday ng tropa namin, kahit magdamagang tugtog ayos lang.
kaso neto lang, napapansin ko na pag naka daming kanta na kami, minsan yung right foot ko e "out of control" na minsan.
yung tipong sasabihin ng isip ko na dapat tatlong kick, magiging apat kung minsan.
ngayon, pag nag ddrum ako mag isa sa bahay, ganun din. ano kaya problema?
patulong naman mga bossing. niloloko ako ng mga kaibigan ko, sign of aging daw. haha!
e 24 palang ako e... hehe! pano kaya yun?  :? :?
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: Riff_6603 on November 07, 2011, 06:05:35 PM

practice with a metronome; sync your beats while counting. isulat mo sa papel yung bilang ng palo mo sa bawat part ng song (verse, chorus, adlib etc), try to stick to it hanggang makuha mo yung tamang feel and consistency. it helps to know notes and time signatures din. :-)
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: francisnuega on November 08, 2011, 12:08:17 AM
sumasakit yung joint ko sa thumb, so ang tendency pag naka grip ako sa stick di ko ma grip ng maayos kasi minsan sumasakit talaga...i don't know kung na-"korbo" sa basketball or what...
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: zachki on November 09, 2011, 10:08:34 AM
sumasakit yung joint ko sa thumb, so ang tendency pag naka grip ako sa stick di ko ma grip ng maayos kasi minsan sumasakit talaga...i don't know kung na-"korbo" sa basketball or what...
the joint between the gap of thumb finger and point finger? kung yun, nararanasan ko rin yun...
 nababahala nga ako baka kung ano na to ehhh, need natin ng MD dito sa forums DXXX
#pagingdrummingdoctors
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: pedaldeaf3 on November 09, 2011, 05:15:02 PM
Guys, di ko sure if OT tong sakin pero masakit sakin yung inconsistency ko to practice drums... Curious lang about your drum routines hirap kase ako (& di ako ganun ka motivated) mag-praktis lalo na ngayon na di na ko tumutugtog sa church namin... Nakakatanggap ako ng mga invites mostly to jam pero di ako makapag-commit agad lalo nat may certain "requirement of skill" din yung mga binibigay nilang line-up (na off course di ko kaya at my skill level) :-D

Got any tips or daily routines to share? Iv'e been drumming for almost 4yrs (on & off) kaya sobrang slowwwwwwwwwwww ng growth ko sa drums... :-(
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: cinco05 on November 09, 2011, 06:04:20 PM
guys!! may tanong lang ako!! madalas ng mangalay yung palad ko ee.. ano ba dapat gawin dito?? i shake ba muna? or patunigin? ano ba hahaha!!! na kakainis kase hirap lalo na pag may gig storbo ee-.-"
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: Darel on November 10, 2011, 08:58:20 AM
ako kapag matagal nang di nakapag ensayo, masakit sa balikat at sa likod. lalo na wrist ko. i played last two days ago, hanggang ngayon masakit pa rin wrist ko.
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: francisnuega on November 11, 2011, 11:06:03 AM
the joint between the gap of thumb finger and point finger? kung yun, nararanasan ko rin yun...
 nababahala nga ako baka kung ano na to ehhh, need natin ng MD dito sa forums DXXX
#pagingdrummingdoctors

yes sir, exactly. kaya di ako makagrip ng maayos sa 7A and 5A...
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: sandythedrummer on November 11, 2011, 12:06:55 PM
After playing 7 years professionally

1. May "mild" Carpal Tunnel ako
2. Hindi na kaya ng paa ko ang 8th noth fast foot playing. nangangawit na sha agad.
3. Nangangawit buong right hand ko when playing ride cymbal.

Dasal at excercise lang katapat neto! The Lord will heal me i know!
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: west on November 18, 2011, 11:34:10 PM
• Guys may question lang po ako, Sa tuwing nagpapractice kami o nasa gig na, palagi ako pinapagalitan ng vocalist namin. Sa tuwing pumapalo na ako, I just keep it simple pero yung groove nandoon pa rin tsaka sasabihan ako ng vocs namin na dry yung pagpalo ko so aware na ako na ganyan iniba ko yung style pero nasa groove parin pero binigyan ko ng fills, licks, etc but not to the extend na nag-ooverplaying na ako. Tapos sasabihan parin ako ng vocs namin na "wag ganyan, keep it simple lang. Marumi yung pagpalo ng drums". Sa side ko sinabi ko sa sarili ko ano ba naman ito sa tuwing pumapalo ako ng simple lang aangal sya na dry daw tapos iniba ko umaangal parin ano naman ito. Sino may sakit ako ba o siya? Any suggestions mga maestros?

• Malapit na talaga ako umabot sa point na mag-quit na talaga ako ng drums. Kasi yung members ko lumaki na yung mga ulo nila at ipinaalis nila ako sa group dahil daw hindi ako maka-cope up sa kanila. Tapos sa bahay lang ako pumapalo at tsaka nag-sisipra ng mga kanta pero nasa utak ko ano ba naman ito mukhang mapupunta ito sa wala itong painagsisikapan ko wala naman akong banda. I need your help guys, very depressed lang talaga ako sa situation ko ngayon tsaka hindi ko alam yung gagawin ko.
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: pmack on November 19, 2011, 08:03:08 AM
ako mga bossing, may suliranin ako ngayon. lately ko lang napapansin to.
nag babanda kami, halos kahit anong kanta, lalo na pag sa mga bday ng tropa namin, kahit magdamagang tugtog ayos lang.
kaso neto lang, napapansin ko na pag naka daming kanta na kami, minsan yung right foot ko e "out of control" na minsan.
yung tipong sasabihin ng isip ko na dapat tatlong kick, magiging apat kung minsan.
ngayon, pag nag ddrum ako mag isa sa bahay, ganun din. ano kaya problema?
patulong naman mga bossing. niloloko ako ng mga kaibigan ko, sign of aging daw. haha!
e 24 palang ako e... hehe! pano kaya yun?  :? :?

nagka-ganyan din ako dati. for me ang naging solution is matinong drum stool na adjustable para comfortable yung height sa haba ng legs ko.
may period dati (5-7 years ago) na i thought i was devolving as a drummer. yun pala seat height lang.
Title: Re: "Drummer's perspective" ANO ANG MASAKIT SAYO?? lets help each other=D
Post by: soulreaver on November 25, 2011, 10:08:50 PM
• Guys may question lang po ako, Sa tuwing nagpapractice kami o nasa gig na, palagi ako pinapagalitan ng vocalist namin. Sa tuwing pumapalo na ako, I just keep it simple pero yung groove nandoon pa rin tsaka sasabihan ako ng vocs namin na dry yung pagpalo ko so aware na ako na ganyan iniba ko yung style pero nasa groove parin pero binigyan ko ng fills, licks, etc but not to the extend na nag-ooverplaying na ako. Tapos sasabihan parin ako ng vocs namin na "wag ganyan, keep it simple lang. Marumi yung pagpalo ng drums". Sa side ko sinabi ko sa sarili ko ano ba naman ito sa tuwing pumapalo ako ng simple lang aangal sya na dry daw tapos iniba ko umaangal parin ano naman ito. Sino may sakit ako ba o siya? Any suggestions mga maestros?

• Malapit na talaga ako umabot sa point na mag-quit na talaga ako ng drums. Kasi yung members ko lumaki na yung mga ulo nila at ipinaalis nila ako sa group dahil daw hindi ako maka-cope up sa kanila. Tapos sa bahay lang ako pumapalo at tsaka nag-sisipra ng mga kanta pero nasa utak ko ano ba naman ito mukhang mapupunta ito sa wala itong painagsisikapan ko wala naman akong banda. I need your help guys, very depressed lang talaga ako sa situation ko ngayon tsaka hindi ko alam yung gagawin ko.

We to think first, most of our band mates, gitarista (bass,rhythm,lead) so, Pag naramdaman ko na bumigat yung strum nila or lumakas and boses nila (vocalist), or any change of rhythm sections.
Although I'm not that good, sensitive naman daw ako. :-D

Try also to learn guitars I think it helps a lot.

And sa topic na sumasakit, ocassionally likod kaya sabi ni dave weckl, anything that helps you physically will help you to be a better drummer.

Mag jogging na tayo