Before the gig:
1. Lalayo muna ako sandali sa tugtugan.
2. Stretching.
3. Konting inom ng tubig.
4. Magsisintas ng sapatos uli.
5. Tatanggalin ko kuwintas, bracelet, at lahat ng laman ng pantalon ko, ilalagay sa bag ko.
6. Lalapit na sa stage para mag-practice pad warmup. Minsan gagayahin ko yung tinutugtog ng drummer sa stage.
7. Unload ko na yung cymbals, snare drum at pedal ko mula sa cases. Konting punas ng gamit.
8. Tapos yun na, kabit na ng gamit, soundcheck, tugtog.
After the gig:
1. Kalas ng gamit, ilagay ang gamit sa mga case, tulungan ang susunod na gagamit sa pag-aayos ng drumset, baba ng stage.
2. Ayusin ang mga gamit sa mga case, konting punas ng gamit kasi baka natuluan ng pawis.
3. Palit ng damit.
4. Ilipat ang gamit sa sasakyan.
5. Inom uli ng tubig habang nakaupo at nakikinig sa tumutugtog.