i can relate to this... for me, mahirap talagang i-childproof ang kit, lalo na sa case namin, maliit lang ang bahay, walang extra room for the kid or the kit... ginagawa ko, since we have a minikit lang, after ensayo, kalas kagad ng kit, tapos lagay sa mga bag at syempre, katakut-takot na disiplina na lang talaga ang katapat.
i also bought my son (1 year 8mo. old toddler) his own toy drumset, at madami pa syang kiddie musical instruments bought by my mom, relatives, etc... pero talagang gusto nya yung tunog ng tunay na instrumento - tunay na snare, tom at cymbals. kahit na nakalabas na din lahat ng toys nya, lalapit pa din sa kit, kukuha ng sticks at papalo... hilig nya rin talaga siguro... pinapabayaan ko na lang sya magexplore sa mga musical instruments na meron ako pero syempre with proper guidance din. iniisip ko na lang na maganda rin maexpose sya at an early age (ako kase late-bloomer, hehe!), parang mas masaya yung pakiramdam na mas magaling yung anak kesa sa ama, hehe!