OH kala ko ba Maya ang iniskor mo?
Anyway,palagay ko nang dalawa ang kit mo.Isa, pang practice,yung isa pang session.
Kung gusto mong Huwag madinig ng kapit-bahay nyo yung pang practice na kit mo,Gumamit ka ng Pearl Muffle Head,extreme silence to! Kahit Tatay mo sa kabilang kuwarto,di madidinig ang hataw mo!
Ang Pearl Muffle Head ay drumhead na parang stocking o net.Gawa ito sa nylon(siguro naka encounter ka na din nito,kulay black na screen)
Well,para magkaroon sya ng konting tunog, Iwan mong nkatono yung mga resonant heads ng kit mo,tapos yung Muffle head na pinaka batter head mo,isalpak mo at higpitan mo ng katulad ng natural na higpit ng mga batterheads para pareho ang talbog at feel.Lagyan mo ng Packaging tape sa gitna o gilid.
Mas maraming packaging tape na idikit,mas magre resonate ang drums(lalakas ang tunog)
Ito na lang ang alam kong PINAKAMURANG solution sa problema sa ingay.
Yun nga lang,di mo sya magagamit pang session sa band!Practisan lang talaga.
Ang point kasi dito,makapagpractice ka ng as natural as possible.Di kasi pwedeng hinaan ang palo,di rin advisable na takpan ng tela yung drums kasi mag iiba ang feel nito.
Yung cymbals,pwede dikitan mo din ng tissue paper para mabilis ang decay.