ano pa ba gusto mo malaman? dito na lang para mabasa din ng lahat.
kaso sa totoo lang, mas magandang pumunta ka sa mga tindahan na nagbebenta ng cymbals tapos magpaalam ka subukan yung mga china nila. okay na panimula kung sa TMS/SPL/Hifi Lounge ka unang pumunta, dahil:
1. maganda naman ang SH tsaka DH chinas tapos mura pa, baka mapabili ka agad
2. maririnig mo dun yung iba't ibang klaseng tunog ng china. meron silang 16", 17", tsaka 18", kaya mula doon eh maiisip mo na rin ano yung general characteristics ng 14" tsaka 20". tapos masubukan mo pa yung pinagkaiba ng dark (SH) tsaka bright (DH) pagdating sa china
3. mararanasan mo yung posibleng inconsistencies ng mga cymbals. parang wuhan ang stagg e, dubious ang quality control kaso kung makahanap ka ng maganda, maganda talaga.
4. mabait ang staff nila. iaaccomodate ka nila at tuturuan/bibigyan ng tips
tsaka pandagdag lang. walang kinalaman ang pagiging mahal ng isang china sa ganda ng tunog nito. syempre may mga mahal na malupet talaga, kaso hindi guarantee na maganda siya dahil lang mahal. halimbawa, yung Oriental China Trash... eh tunog yero na binabalibag lang naman yun e. meron na akong narinig na nabagsak na aluminum tray na mas maganda ang tunog kesa sa ibang mga Oriental.
at lalo ring hindi guarantee na pangit ang china pag mura. yung isa sa pinakamagandang china na nagamit ko, lumang 20" Lazer Ride na inapakan ko sa bell hanggang bumaliktad yung cymbal, tapos dinagdagan ng onting martilyo para lang pumino yung tunog. sobrang lupet nun... MAINGAY, brutal raw attack tapos walang decay. wala talaga. KRWAKH!! lang tapos tahimik na. sablay nga lang na dahil Lazer siya at medyo abusado (minartilyo ko ba naman gamit martilyong pang-karpintero), sobrang punit punit na siya kaya di ko na rin nagamit na. buti na lang yung 12" na ganyan din ginawa ko, buhay pa.