http://soundclick.com/share?songid=8049916Pasintabi
Stanza I
Huwag mo na akong pasayahin
Huwag mo na akong bola-bolahin pa
'di mo na kailangan pang magsinungaling
Wala nang ililihim dahil alam ko na
Refrain I
At sana lang
Huwag mo nang gawan ng paraan
Magpapagod ka lang
Pilitin ko man
Ang dating kay sarap; ngayon ay 'di ko na nararamdaman
Stanza II
Huwag mo na akong pangitiin
Kung dati masaya ngayon wala nang halaga
Ang pagsuyo mo'y wala na ring dating
Itigil mo na lang dahil nakakapagod na
Refrain II
Alam mo naman
Kung gaanong kadali akong masaktan
Sabihin mo na lang
Sa 'yong palagay
Ang damdaming nasugatan ay makakapagpatawad pa ba?
Chorus I
Kaya mo bang mag-pasintabi
Kung sa puso'y may kahati kang iba?
Kaya mo rin bang magpanggap?
Pigilian mo ang pagiyak
Habang dahandahan
kang sinasaktan
Adlib
repeat Refrain II
Chorus II
Kung sa iyo ay may kaagaw
Puso mo'y biglang manakaw ng iba
Kung ako'y mapapikit
piliin mo'ng huwag bumalik
Pakiusap ko lang ay manghingi ka naman
...Konting pasintabi man lang...
Words and Music: AJ Antonio